1 Einleitung | |
3 Originaltext |
Quelle: Abueg, Efrert R.: Liwayway, Walumpu't Anim na Taon ng
Paglilingkod sa Wikang Pambansa
LIWAYWAY, 11 Agosto 2008 p. 29 {
Liwayway}
{3.1}
Sa muling pagsapit ng Buwan ng Wika (2008), kailangan nang balikan ang naiambag ng Liwayway sa pagbuo ng isang Wikang Pambansa. Kakatwa ang kalagayan ngayon ng Liwayway - ito na lamang ang malaganap na magasing inililimbag sa wikang Filipino at ipinamamahagi sa mga dayuhang bansa tulad ng Italy, Saudi Arabia at ng tinatawag na Gulf States (Dubai, United Arab Emirates, Bahrain, Oman at Kuwait). May mga new agency na nag-aasikaso sa sirkulasyon ng magasing ito. | ... |
Hindi rin kataka-takang makarating ang mga kopya ng Liwayway sa iba pang mga bansang nilalakaran ng mga manggagawang Filipino (OFWs). Malawak na ang network o pag-uugnay-ugnayan ng mga Filipino sa maraming panig ng daigdig tulak ng kanilang hangad na makasubaybay sa mga nangyayari sa kanilang Inang Bayan. Global na ang Liwayway. | ... |
{3.2}
Wikang Pambansa ang Ugat ng Liwayway Ang tatag at tagal ng LIWAYWAY ay nag-ugat sa Wikang Pambansa. Pinamagatang Photo News, una itong inilathala makalawa isang buwan bilang photo magazine at may caption sa tatlong wika, Kastila, Tagalog at Ingles (Hunyo 15, 1922 - Nobyembre -, 1922). Masasabing sa ' dekada 20, ang wikang Kastila'y sinasalita ng matatanda, ang Tagalog ay ginagamit ng militanteng kabataan sa pagpapaapoy sa hangaring makapagsariling ganap at ang Ingles ay sinasalita at sinusulat ng mga elitistang Pilipino na aralsa edukasyong Kanluranin. Simbolo ang Photo News ng pagtutunggali ng tatlong wika. Noong Nobyembre 18, 1922, nanaig ang Tagalog sa tunggaliang ito nang ipahayag ng patnugutan na ang Photo News (ay) magiging Liwayway. | ... |
{3.3}
Kung babalikan ang kasaysayan ng paglalathala sa Pilipinas, bukod sa iba pang babasahin sa Ingles, umiiral na sa panahong ito ang Manila Bulletin at ang Manila Times, may likas nang mga mambabasa mula sa mga tagapagtaguyod ng rehimeng Amerikano at ng mga pensiyonadong nagsibalik na mula sa pag-aaral sa Estados Unidos. Samantala, ang mga pahayagang Tagalog na naging lunsaran ng mga tuligsa laban sa rehimeng Amerikano, tulad ng Ang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ay malaon nang itiniklop noon pang dekada 10. | ... |
Tanging ang Taliba, Ang Mithi at ang Ang Bansa ang nangabuhay. Higit sa lahat, ipinasara at kinumpiska ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ang El Renacimiento nang tuligsain nito noong 1907 sa isang editoryal (Aves de Rapina) ang prospecting ng ginto sa mga bulubunduking pook ng isang dekanong dayuhan ng Unibersidad ng Pilipinas. | ... |
Nadamay pati ang seksyong Tagalog nito, ang Muling Pagsilang. Sa darating na mga taon pagkaraan ng insidenteng ito, inihiwatig ng Batas Sedisyon ng pamahalaang Amerikano na pipigilin din ang mga pahayagan sa Tagalog na laban sa mga patakaran nito. | ... |
{3.4}
Ganitong pagbabago ng pamagat ng Photo News ang ipinahayag ng patnugutan nito sa isang editoryal (tudling): | ... |
"Kami ay nagbago - ginawa naming pangalang Tagalog at panay nang wikang Tagalog ang dating Photo News - sa aming pag-asa at sa aming hangad na sa ganitong paraan ay lalo kaming mapapanuto sa paglilingkod sa bayan. Mga huling pangyayari ang nagpatunay na hindi lamang mga taong tubo sa katagalugan ang nagmamalasakit upang ang wikang ito'y siyang maging wikang pambansa at maging pampamahalaan, kundi gayon din ang mga taga-ibang lalawigan." | ... |
Sa Tagalog din ipinahayag ang pagkakapili ng bagong pamagat: "Napili namin ang pangalang Liwayway sa pag-asang ang rebistang ito'y makapaghahandog ng panibagong buhay at sigla sa bayan, gaya rin naman ng biyayang tinatamo ng daigdig sa unang ngiti ng araw sa madaling-araw na dili iba't ang bukang-liwayway." | ... |
{3.5}
Liwayway, Gumanti ng Utang na Loob sa Wika Sumulong, lumaganap at umunlad ang Liwayway sa punto ng negosyo, ngunit hindi nito nalimot ang tungkulinnitosasambayanan. Upang "mapanuto" sa paglilingkod sa bayan, nilinang nito ang wikang Tagalog sa pamamagitan ng paglalagay sa patnugutan at pagtanggap ng kontribusyong mga akda ng mga kilalang manunulat na "marunong" gumamit ng wika. Sa panulat ng mga Severino Reyes, Deogracias Rosario, Cirio H. Panganiban, Fausto Galauran, Teodoro Gener at nagsisunod pang mga manunulat, nahutok ang wika ng Liwayway sa "anim na batis na mapagmumulan ng iyayaman ng Wikang Pilipino" na idineklara ni Lope K. Santos matapos niyang mailunsad ang makasaysayan niyang obra sa linggwistika, ang Balarila ng Wikang Pambansa. |
... |
Maging noong mga dekada pagkaraan ng digmaan, nang bansagan at maging kontrobersy al ang wikang ito sa pagsunod sa "landas ng purismo", nanatiling buhay ang wika ng Liwayway, dinamiko at bukas sa pagpapasok ng mga bagong katawagang nagmumula sa bibig ng bayan. | ... |
Sa pagtulong sa pag-ugit ng isang Wikang Pambansa, naging isang kagalang-galang na institusyon ang Liwayway at kinilala bilang babasahin sa mga Paaralang Bayan at karagdagang babasahin sa mga pribadong haiskul, kolehiyo at unibersidad ng Pilipinas mula pa noong 1951. Magiging kahiya-hiya sa bayan kahit na sinong alagad ng wika at/o ng sining na huhusga sa mahabang paglilingkod ng Liwayway sa sambayanan sapul nang ito'y matatag. | ... |
{3.6}
Kung ang Liwayway Man ay Aliw ng Tahanan Sa loob ng maraming taon, nakalagay sa ilalim ng masthead ng Liwayway ang panghalinang parirala: Aliw ng Tahanan. Tunay ngang nakaaaliw ang panitikan at iba pang kaukulang nilalaman ng magasing ito. Ngunit ang Ingles na manunulat na si W. Somerset Maugham, sa pagtatakda niya ng mga kraytirya sa pagpili niya ng sampung pinakamahusay na nobela ng mundo sa kanyang panahon ay kumilalang ang aliw o entertainment ang unang mabuting katangian ng isang akda, lalo pa't nobela. |
... |
Ngunit hindi tumigil sa gayong layunin ang Liwayway. Sa pana-panahon, bukod sa mga artikulo, nagbukas ito ng mga pitak sa wika (Jose Villa Panganiban, Talahuluganang Tagalog at Ingles; Domingo L. Diaz, Wastong Pananagalog). Inayudahan pa ito ng Pitak-Pampaaralan nina Teresita Capili, Moises Simbulan at Gng. Martina Vasquez. Maging si Narciso V. Pimental ay nagbukas sa Liwayway ng kanyang Kuwentong Barbero, isang presentasyon ng katawa-tawa, ngunit kapupulutan ng aral na pitak. Gayundin naman si Gelso Carunungan, isang manunulat sa Ingles na sinulat sa Tagalog ang kanyang pitak na Ang Buhay Nga Naman. | ... |
Si Andres Cristobal Cruz, isang manunulat sa Ingles at may-akda ng kilalang nobela, Ang Tundo Man May Langit Din ay nagtaguyod sa ilang taon ng kanyang Filipiniana, isang pitak tungkol sa sining at kultura ng bansa. Nang malaon, ang binuksan naman ng Liwayway ay ang pitak na Edukasyon at Kultura. Sabi nga ng nobelista at kwentistang Benjamin P. Pascual: Sa ngayon (1976), taglay ng Liwayway ang laha ng uri ng pagkaing-isip mula sa mga akda hanggang sa pagtuturo ng wastong pangangalaga ng tahanan at kusina." | ... |
{3.7}
Sa panahong ang anunsyo sa print media ay kinokopo ng mga magasing fashionista, motorista, turista, at mga produktong may mataas na halaga (presyo), saka ng mga elektronikong tsanel, nabubuhay ang Liwayway sa street sales, subscription at espesya na pamamahagi. May bago rin na umuugit sa beteranong magasing ito, pagkaraan ng pamamatnugot ng mga kilala't premyadong manunulat. | ... |
Si Angie J. Perez bilang kasalukuyang managing editor ng Liwayway ay may malawak na karanasan sa pamamahayag at pagsusulat sa Filipino (nagtrabaho bilang news reporter at naging Filipino editor i pahayagang Commonwealth Examiner sa Saipan, nagsulat din sa Peoples Taliba, Pilipino Reporter at Movie Entertainment Magazine, Extra Hot, noong dekada 80) umani ng labindalawang taong paninilbihan bilang researcher/writer sa Office of Media Affairs at sampung taon bilang OFW sa Saudi Arabia). Siya ay patuloy na tumutugon sa mga hamong kinakaharap ng Liwayway. | .. |
Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/liwayway.html 02. Februar 2007 - 01. September 2020 |