Mga Isip tungkol sa Wikang Filipino

Bagong mga Salita sa Wikang Filipino
Mga Ubod ng Palaugnayan ng Wikang Filipino
Bagong mga Kaisipang Tungkol sa Palaugnayang Filipino


Bagong mga Salita sa Wikang Filipino   (• Salita)

Lubos na pagbagago ang ginagawa sa Pilipinas at sa wika nito. Dumarating ang pagkakadaigdig-buklod (globalization) ng ika-dalawampu't isang dantaon. Noon matagal na kolonya ang Pilipinas at naging pangkoloniyal ang pag-iisip ng kababayan. Dahil dito, pagiging pala-Amerikano ang karaniwang pag-unawa ng pagkakadaigdig-buklod, lalo na sa larangan ng wika. Inaakala ng karamihan ng kababayan na pang-unang kailangan ang pantanging paggamit ng wikang Amerikanong-Inggles upang matangumpay na sumali sa makabagong daigdig. Sa karaniwang mga tao na hindi pa marunong na mag-Inggles - kahit ang buong pagtuturo sa paaralan - iniaalok ang uri ng Filipino na ginagamit (pa) ang Filipinong balarila at pinakamaraming salita at parirala ng Amerikanong-Inggles.

Sa kabilang banda, pangamba ang ipinpahayag na hindi maaaring maipagtagumpay ang kinabukasan ng Pilipinas, subalit hahantong ang bansa sa pangmatagalang pagpapakalinga at pagkasilong kung susunod ng daang ito ang Pilipinas. Bago ituloy ang talakay, dapat bumalik sa kasaysayan ng Pilipinas. "Nakalimutan" ng Espanyol at saka ng Amerikano na ipasok ang katawagang nacion at nation, ang katawagan sa pagkatatlo ng bansa, mga mamamayan at kabihasnan. Hindi nababagay ang katawagang nasyon sa kolonya. Hanggang ngayon, wala pang Matatag na Nasyong Pilipino. Talagang kailangan ba ito at kung paano maaaring tuparin ito?

Isa sa mga pangunahing paksa ang kabihasnan sa Matatag na Nasyong Pilipino. Dahil sa pangnagdaan pangkolonya, mahina ang katutubong kabihasnan sa Pilipinas. Hinggil sa wika, tumulad ang karamihan ng Pilipino ang Amerikanong kaisipan (walang katutubong wika ang Estados Unidos) na kagamitan sa pakikitalastasan lamang ang wika. Hindi nakilala na saligang bahagi ng kabihasnan ang wika at may matalik itong kaugnay sa pag-iisip at diwa.

Ito ang saligang mga katanungan: Kailangan ba natin ang Matatag na Nasyong Pilipino? Talaga bang bahagi ng kabihasnan ang wika? Kailangan ba natin ng pambansang wikang na nababagay sa diwa natin? Sa amin, tatlong beses "Oo" ang tunay at tamang sagot.

Sa Pilipinas, may malakas at malilim na kahiligan ang karamihan ng tao sa wikang Amerikanong-Inggles at mayroon silang kauggnay na pagkaaayaw sa sarili niyang wikang kinagisnan. May magaling na dahilan sa pag aaral at paggamit ng Inggles, pero tangi at bihira ang kahiligan at ang pagkaaayaw sa sariling wika. Iniuugnay ang wikang Amerikanong-Inggles sa magaling na pansariling kinabukasan, masaganang pagkabuhay at panlipunang tagumpay, talagang makabago ito. Kasalungat ang wikang kinagisnan, kasawiang-palad, kahirapan at makalumang isip ang katangian nito.

Palaging nagbabago, tumutubo at baka umuunlad ang wika - hindi alinsunod sa maayos na tuntunin. Ang karaniwang mga tao ay may gusto sa ilang uri salitang ginagamit nila at umayaw ng ibang iniiwasan nila. Kung talagang hinahangad na baguhin ang gawing-wika (gawi hinggil sa wika), sana'y hindi dapat pumunta sa batasan at sa mga pantasan at hindi sumayaw sa Linggo ng Wika. Sa halip nito dapat subuking unawain kung bakit gustong gamitin ng mga tao - sinisadya o di-sinisadya - ang salitang ginagamit nila at kung bakit ayaw nila ng iba. Kung hindi nagkakatulad sa hinahangad na pamalakad ang likas na pangyayaring ito, sana'y dapat ihandog ang kaakit-akit na salita. Marahil gustong gamitin - sinisadya o di-sinisadya - ang mga ito at saka baguhin ang gawing-wika.

 
 
Nagtatrabaho pa kami
sa kabanatang ito.

Mayroon bang larangan kung saan matututo ng batang mga Pilipino na mahalaga ang wikang kinagisnan at ang pambansang wikang Filipino na kawangis sa wikang kinagisnan? Larangan ba kung saan magaling at kasiya-siya sila kung maaring gamitin ang wikang ito? Marami silang kahirapan. Zunächst kann ihnen niemand deutlich sagen, was Filipino eigentlich ist oder sein soll. Diese fehlende Deutlichkeit wird durch ein diffuses Gefühl ersetzt, dass Filipino ein Tagalog mit englischen Wörtern sei; diese Fremdwörter werden häufig als neue filipinische Wörter bezeichnet. Das offizielle filipinische Alphabet ist ein logischer Schritt in diese Richtung, da es zu englischen und nicht zu filipinischen Wörtern passt. Publikationen, auch wissenschaftliche, in filipinischer Sprache verwenden ohne Not englische Wörter (chapter statt kabanata), manchmal in einer schwerverständlichen Orthografie (Beispiele vawel statt patinig und fangsyon statt tungkulin). Der Leser muss also erst Englisch lernen, um die filipinische Publikation verstehen zu können; und er mag sich fragen, warum der Autor nicht in Englisch schreibt, wenn er so gern englische Wörter verwendet. Wir können uns nicht vorstellen, dass ein solches Verständnis von Filipino jemals breit akzeptiert wird.


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/isip.html
070303 / 220113

Wakas ng Mga Isip tungkol sa Wikang Filipino

Simula ng talaksan   Ugnika