Ang sanaysay na ito ay isang kabuuran ng ilang bahagi ng aking akdang "Palaugnayan ng Wikang Filipino". Doon paglalahad na malawakan ng palaugnayang Filipino na may higit sa 2000 pangungusap at parirala na naglalarawan ng pananalitang pang-araw-araw at nakasulat ng kasalukuyang wikang Filipino. Sa pagtutulungan ng maraming tagawikang-kinagisnan ay isinasalarawan ang katunayang pangwika at buhat doon pinagtangkaan ang pagsusuring pambalarila na walang tangkilik sa patakarang pampalaugnayang galing sa wikang banyaga.
Ipinapalagay na napakahalaga ang katangian ng wika na tinitiyak sa pamamagitan ng panandang iniuuna ang tungkuling pampalaugnayan ng parirala. May anim na pariralang pangkayarian ang wikang Filipino, dalawa sa mga ito ang panaguri at paniyak (kaugaliang paksa). Tumutupad sa nilalamang pansemantika ang salitang pangnilalaman; magkakatulad ng bahagi ng panalita ang pag-uuri nito. Mahalaga sa palaugnayan ang yaring hutaga. Halos magkapareho ang pagbuo ng iba't ibang sugnay sa pangungusap.
Inihahambing nang malawak at masusi ang pagsusuri namin sa akda ng iba't ibang daloy ng aghamwika ng Filipino (Tagalog).
This essay is a summry of some parts of my work "Palaugnayan ng Wikang Filipino". That is a comprehensive and consistent presentation of the syntax of the Filipino language supported by more than 2000 sentences and phrases authentically reflecting up-to-date written and colloquial Filipino. With decisive participation of many native speakers "on the spot", the true language reality was captured and became the foundation of the grammatical analysis avoiding the need to rely on syntactical models appropriate to other languages.
In Filipino, the syntactical function of the phrases of the sentence is marked by a class of determiners. This is considered as essential feature of the language. There are six of those function phrases, two of them predicate and subject. The semantic message of the phrases is realized by content words which can be categorized into classes comparable to conventional parts of speech (e.g. verb or noun). Decisively, the syntax is influenced by the frequent use of enclitic constructions. Crucial for the build-up of compound sentences is the fact that, in principle, all kinds of clauses have the same syntactical structure.
Comprehensively, works of the different linguistic schools about Filipino (Tagalog) are critically reviewed.
Kaugaliang sa pananaw ng wikang pang-Europa ay sinusuri at nauunawaan ang balarila ng wikang Filipino. Noon pinag-aralan at sinaliksik ng paring Espanyol ang mga wika sa Pilipinas (inihambing nila ito sa wika nila at sa Latin at Griyego) at ngayon nagkakabisa sa wikang Filipino ang Amerikanong Inggles. Ngunit hindi pang-Europa ang ugat ng Filipino; ito'y kasapi sa angkan ng wikang pang-Austronesia. Dahil dito, mahirap ang pag-unawa ng Filipino kung ginagamit lamang ang mga paraan ng wikang pang-Europa. Buhat kay Bloomfield (1917), maliwanag ang mga pansariling katangian ng wikang Tagalog at ang pagkakaiba nito sa mga wikang pang-Europa. Ngayon mayroon pang pagsaliksik ng pagkakaisa at pagkakaiba ng mga wikang galing sa Silangan at Kanluran.
Dahil dito, tanging pamamaran ang pinagtatangkaan ko. Sumunod ako sa paraang noon ginamit ni Martin Luther upang isalin ang Biblia sa wikang Aleman. Iniaangkop ko ang sulat niya (1530):
"Huwag tanungin ang balarilang Espanyol o Ingles kung paano salitain nang mabuti ang Filipino. Kundi dapat tanungin si Inay sa bahay, ang mga bata sa kalsada, ang karaniwang tao sa palengke at pansinin ang bibig nila kung ano ang wika nila. Alinsunod dito dapat buuin ang balarilang Filipino; kung gayon, naiitindihan nila at nauunawaan nang mabuti ang wika nila."
Pumunta ako naman sa palengke at sa kalsada, pinansin ko ang bibig ng karaniwang tao, ngunit sinuri ko rin ang pananalitang nakasulat, mula sa mga tsismis sa Liwayway hanggang sa akda ng mga dalubhasa ng pamantasan. Ano ang nakita ko?
Katangi-tangi ang pagkakasunud-sunod ng salita sa pangungusap na Filipino. Karaniwang may salitang maikli sa harap ng salitang "mahalaga". Pinagsikip ang bilang ng salitang maikling ito, anim lamang ang mga ito (ay, ang, ng, sa, -ng/na at nang). Tinatawag na 'pananda' ang mga ito, at 'parirala' ang tawag sa pagkasama ng salitang maikli at mahalaga (salitang pangnilalaman). Ang mga pananda ang mga tanda ng tungkuling pampalaugnayan ng parirala kahit nasaan ito sa pangungusap. Ginagamit ko ang kaugaliang katawagan na 'panaguri' para sa pariralang may panandang ay. Bago ang tawag na 'paniyak' sa pariralang ang (kaugaliang tinatawag na 'simuno' o 'paksa').
Paunahing bahagi ng pangungusap na Filipino ang panaguri. Maraming uri ng panaguri ang wika natin:
|
Sa lahat ng halimbawa [1-5], sa harapan ng pangungusap ang panaguri. Karaniwang umuuna ang panaguri sa paniyak sa pangungusap na Filipino.
|
Sa pangungusap [6-9], may panandang ay ang panaguri. Hindi kailangan ito kung sa unahan ng pangungusap ang panaguri [1-5]. Maaaring gamitin ang panandang ay kung may iba pang parirala sa harap nito [6 7]. Dapat gamitin ang panandang ay kung nasa harap ng panaguri ang paniyak [8 9]. Kung gustong bigyan ng diing tangi ang paniyak ay puwedeng pumili ng paggamit ng ay gaya ni George Canseco sa awitin niyang "Ako ay Pilipino" [8].
Pati may tao (marami sa mga paaralan) na mahilig sa tuwi-tuwing paggamit ng ay kasama sa paniyak na iniuuna. Pananalitang "pormal" daw ito at dapat daw gamitin sa importanteng kalagayan at sulat [9].
Kapansin-pansin ang katangian ng paniyak. Palaging may katiyakan ito. Halimbawa ang sumusunod na pangungusap: Magaling ang Nakita ko ang pera ko. at Kaunti lamang ang nakita ko.; ngunit pangit ang sinasabi na Pera ko ang nakita ko. at Nakita ko ang kaunti lang. Dahilan nito ang katiyakan ng paniyak na Filipino; tiyak ang pera ko, ngunit di-tiyak ang kaunti lang. Ipinapakita ang isa pang katangian ng wikang Filipino sa halimbawang itaas: Maaaring magpalitan ang panaguri at paniyak. Kung walang katiyakan ang parirala, hindi maaari itong maging paniyak. Pagkatapos ng pagpapalitan ito'y panaguri, at may katiyakan ang bagong paniyak. Malimit na halimbawa ang mga pangungusap na pananong. Dahil sa katiyakan ng paniyak ay hindi ito maaaring itanong. Dapat magpalitan ang panaguri at paniyak.
|
Panandang ang ang pananda ng paniyak (may salungguhit ang paniyak sa ibaba). Ginagamit ang panandang ito sa harapan ng paniyak kung hindi tao o bagay ang paniyak [8 9]. Pati karaniwang ginagamit ang ang kung tao o bagay ang paniyak [10 11].
|
Dahil may katiyakan ang paniyak ay pati tanda ng katiyakan ang ang. Kung may ibang tanda ng katiyakan ay hindi kailangan ang ang. Talagang tiyak ang mga taong may tawag na si ... [12]. Tinatawag na pantukoy ang si. Kasama ng pangngalan ito, hindi kahalili ng panandang ang. Sa halimbawa [13] ay dapat gamitin ang panandang ang kahit halatang tiyak ang paniyak. Tiyak din ang tao kung tinatawag nito sa pamamagitan ng panghalip na ako, ikaw, ... [14]:
|
Maaaring palawakin ang bahagi ng pangungusap (panaguri at paniyak) sa pamamagitan ng itinturing na parirala. Isa sa mga ito ang may panandang ng. Tinatawag naming pantuwid ang pariralang ito. Dapat sumunod sa pariralang itinuring ang pantuwid. Kung kaya hindi maaari nasa harapan ng pangungusap ang pantuwid.
|
Maaaring pangngalan ng taong may pantukoy si (o maramihan nitong sina) sa loob ng pantuwid. Kung gayon, pinagsasama ang panandang ng at ang pantukoy. Hindi ginagamit ang panandang ng kung kasama ito sa panghalip. May tanging anyong NG ang panghalip na panao at pamatlig.
|
May iba pang parirala na tinatawag na pandako, sa ang pananda nito. Malawak ang saklaw ng pandako. Maaaring gamitin bilang panuring (at madalang, bilang panaguri). Pati ang pandako ay bumubuo ng pariralang malaya at maaaring nasa unahan ng pangungsap.
|
Pinagsasama din ang sa at pantukoy [5]. Mayroon ding tanging panghalip na SA [6 7]. Kung iniuuna at ikinabit sa pamamagitan ng pang-angkop, inilalarawan ng panghalip na SA ang kaugnayang paari [8]. Kapareho ang kabuluhan ng panghalip na SA na nauuna (may pang-angkop) at panghalip na NG na inihuhuli (walang pang-angkop) [9]. Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino.
|
May tanging yari ang wikang Filipino na tinatawag na pang-angkop. May dalawang anyo ang pang-angkop: Ginagamit ang dinadagdagang -ng kung "puwede ang bigkas nito". Pangalawang anyo ng pang-angkop ang salitang ibinukod na na. Magkatulad ang kahulugan at tungkulin ng dinadagdagang -ng at ng bukod na na. Pananda ng pariralang panlapag ang pang-angkop. Inihuhudyat nito ang baitang sa itaas o ibaba. Sa [1], bulaklak ang nasa itaas at maganda bilang panuring ang nasa ibaba (may salungguhit). Sa ibang salita: Nasa "palapag na ibaba" ang maganda. Palaging panuring sa ibang salita ang pariralang panlapag.
|
Sa tabi ng limang pariralang inilalahad sa itaas, may pulutong ng yaring maaari ring ipalagay na parirala. Sa kasalungat ng pariralang naturan sa itaas, nag-iisa ang yaring ito sa pangungusap at mahina ang kaugnayan nito sa iba pang mga bahagi ng pangungusap. Tinatawag na pang-umpog ang pariralang malayang ito. Kung sa harapan ng pangungusap - ito ang katatayuan nitong karaniwan - walang pananda ang mga ito.
|
May pang-umpog na maaaring ilagay sa hulihan ng pangungusap at may ilan sa loob ng pangungusap. Upang ihiwalay ang pariralang ito sa ibang bahagi ng pangungusap, maaaring gamitin ang salitang nang. Kung kaya ipinapalagay itong pananda ng pang-umpog.
|
Sa tabi ng parirala, salitang maikli na may katangiang pansarili ang maaaring gamitin sa pangungusap na Filipino. May tanging katatayuan sa pangungusap ang salitang ito. Tinatawag na hutaga (katagang inihuhuli) dahil palaging kasunod ng kagyat sa salitang makatukoy (salitang pangnilalaman) ang mga ito. Dahil dito hindi kailanman nasa unahan ng pangungusap ang hutaga.
|
Mapapansin na maaari ding kumikilos ang panghalip na ANG at NG gaya ng hutagang naturan. Kung gayon, hindi ito parirala, nagiging hutaga ang pariralang paniyak o pantuwid at hindi na salitang pangnilalaman ang panghalip, naging kataga ito.
|
Kung nasa isang katatayuan ang higit sa isang hutaga [3-5], may tuntunin para sa pagkakasunud-sunod ng hutaga. Hindi ito pinagpapasiyahan ng tungkuling pampalaugnayan, ngunit ng pagbuo ng hutaga: Palaging unuuna ang hutagang isapantig sa hutagang dalapantig.
Tanging yari ng panghalip na may gawing hutaga ang pangitaga. May tatlong bahagi ang yaring ito: Sumusunod sa salitang makatukoy ang hutaga (panghalip), ngunit ito'y nasa harap ng salitang-ubod. Pampalaugnayan lamang ang kaugnayan ng salitang makatukoy sa hutaga; pansemantika man ang kaugnayan ng hutaga sa salitang-ubod.
|
Pampalaugnayan ang pag-uuri ng salita sa uring-salita.
Nasa tabi nito ang kaugaliang bahagi ng pananalita. Mahirap ihiwalay ang iba't ibang bahagi sa wikang Filipino dahil halos wala itong tanging katangiang pambalarila.
Sa Pambungad tinanong ko kung ano ang mga nakita ko. Nakita ko ang isang magandang wikang na may napakatibay na balangkas at kaayusan at ginagamit ng halos lahat ng Pilipino araw-araw. Nakita ko ding halos walang pag-alaga ng tao sa kanilang wika. Binasa kong maraming beses kung ano ang "Dapat" at "Kailangang" gagawin at pagsaliksik para sa wikang ito. Halos wala akong nakitang mga taong gustong ginagawa at talagang ginagawa ang bagay-bagay pagsaliksik ng mga "Dapat" at "Kailangan".
Bloomfield, Leonard. Tagalog Texts with Grammatical Analysis
Urbana 1917: The Univ. of Illinois (University of Illinois Studies in Language and
Literature Vol.III 2-4).
Möller, Armin. Palaugnayan ng Wikang Filipino
Ilalathala sa Sächsische Landesbibliothek -
Staats- und Universitätsbibliothek Dresden
(Saxon State and University Library Dresden, Germany) sa 2019 (talaksang PDF, 300 pahina).
Dating labas (2013) sa
Deutsche Nationalbibliothek (German National Library)
http://nbn-resolving.de/urn:nbn:de:bsz:14-qucosa-127837 .
Kasulukuyang website (Abril 2019) www.germanlipa.de .