Werkstatt-Korpus / Pagtitipong Paggawaan
Pag-unawa sa Ating Pagtula   (• pagtula)

1 Einleitung / Pambungad
3 Text Kapitel 16 / Kasulatan ng Kabanata 16
4 Analyse Prädikat - Subjekt / Pagsusuri Panguri - Paniyak


1 Einleitung / Pambungad

Almario, Virgilio, S.: Pag-unawa sa Ating Pagtula
Quelle / Pinagmulan → {16A-2 Almario 2006}.
Gedicht / Tula → {W Bonifacio: Hibik}.


3 Text Kapitel 16 / Kasulatan ng Kabanata 16

Katunayan ng Pighati at Lunggati sa "Katapusang Hibik ng Pilipinas" ni Andres Bonifacio

{16.01}
Kailangan munang ipuwesto sa kasaysayan ang "Katapusang Hibik ng Filipinas" ni Andres Bonifacio. May kasaysayan ito bilang pangwakas na hibik sa sagutang hibik nina Hermenegildo Flores at Marcelo H. del Pilar. May ulat na unang sinulat ni H. Flores noong 1888 ang "Hibik ng Filipinas sa Inang Espania" na sinagot marahil noong taon ding iyon ni M.H. del Pilar ng "Sagot ng Espana sa Hibik ng Filipinas." Mistulang koda sa naturang sagutang patula ang hibik ni Bonifacio. May puwesto naman ito sa kasaysayan ng Filipinas bilang pahayag ng himagsik mula sa Supremo ng Katipunan pagkatapos ng sagutang repormista ng naunang dalawang makata na kapuwa aktibista sa Kilusang Propaganda....

{16.02}
Sa ganitong pagtanaw na historikal ganap na mauunawaan hindi lamang ang mataas na kabuluhang pampolitika ng tula ni Bonifacio kundi maging ang orihinal na himig at retorika nito bilang hibik....

{16.03}
Ang hibik ni H. Flores ay tinig ng isang anak na nagsusumbong sa ina na nasa malayo. Tuon ng sumbong niya ang iba't ibang uri ng abusong ginagawa ng mga fraile laban sa kaniyang pamilya (dahil lumilitaw na ang anak na si Filipinas ay nag-asawa na at may mga anak), mula sa mga paraan ng panggigipit upang makamkam ang yaman ni Filipinas, sari-saring panloloko upang lustayin ng mga anak ni Filipinas ang salapi sa mga pista't gastos pansimbahan, pakikisabwatan sa mga opisyal para sa pagdudulot ng inhustisya sa mga tao, hanggang sa paglalabas ng mga librito upang takutin ang mga tao laban sa pag-aalsa. ...

{16.04}
Sa kabilang dako, ang sagot ni M.H. del Pilar ay pang-alo ng isang ina na walang magawa upang dumamay sa anak. Inamin ni Inang Espania na mahal na mahal niya ang anak ngunit lubhang matanda na siya at naghihirap din upang makatulong. Inamin din niya na nagkamali siya ng nahirang na "tagaiwi" - ang mga fraile - ng anak. Inakala niyang dahil relihiyoso ay magiging uliran sa kabutihan ang mga fraile. Gayunman, naalala din niyang may masamang karanasan din ang Europa sa mga fraile at kaya pinaghimagsikan din sila doon. Sa dulo, ipinayo ng Espana na magtiis ang anak at mga anak nito kung hindi kayang palayasin ang mga fraile. ...

{16.05}
Nakatimo sa mga hibik nina H. Flores at M.H. del Pilar ang ideolohiya at programang pampolitika ng Kilusang Propaganda. May dalawang lundo ang paghahanay ng mga pangyayari: una, ilista ang mga pagdurusang dinanas ng Filipinas bilang kolohya at ikalawa, isisi ang mga ito sa mapagsamantalang mithi ng mga "hari-hariang" fraile. Nasa likod nito ang patuloy na paggalang at pag-asa sa kapangyarihan ng Espanya upang magdulot ng kailangang mga repormang sibil at katarungan para sa dapat ituring na mga mamamayan ("anak") ng Espanya....

{16.06}
Tulad ng kilusan para sa reporma makaraan ang pagbitay sa Gomburza, ang dalawang hibik ay isang nakagugulat na pagbabago sa kumbensiyon ng ganitong pagtula noon. Ang himig na sumasamo o umaalo ay palasak noon sa mga kundiman at awit ng sawing pag-ibig. May ugat din mismo ang malungkot na diyalogo sa mga munting dulang alegoriko, lalo na yaong nagtatanghal sa pananalangin ng mga banal at martir at mga himalang gaya ng pagbaba ng anghel, o kaya'y sa maririkit na tagpo sa senakulo't moro-moro. (Magandang balikan dito ang tagulaylay ng Mahal na Ina habang kausap ang anak na paakyat ng Kalbaryo sa pasyon.)...

{16.07}
Kahit ang malungkot na tagpo ng pag-ibig sa metriko romanse, halimbawa'y ang bawal na pagniniig nina Don Sancho at Donya Jimena sa Bernardo Carpio, ay maaaring maging bukal ng inspirasyon ng ganitong sagutan. Na sa kabilang dako'y nagpapakilala sa talino nina H. Flores at M.H. del Pilar bilang propagandista sa paggamit ng panitikang popular upang madaling umakit ng madla ang kanilang pahayag. ...

{16.08}
Ang pag-uulat na isinagawa sa dalawang hibik ay maaari namang ugatin sa mga loa at sa mga naging sanga nito. Dahil sa gamit ng loa sa mga pagdiriwang pangmadla, halimbawa'y para parangalan ang isang panauhing pandangal o kaya'y para purihin ang patron sa isang pista, karaniwang mahaba ito sa paglalahad ng mga katunayan ng ibig sabihin. Kung tungkol sa isang opisyal, isasalaysay nito ang posibleng hamak na pinagmulan at mga sakripisyo't pagsisikap ng pinararangalan hanggang magtamo ng mga tagumpay....

{16.09}
Kung tungkol sa isang santo, iuulat nito ang mga pagdurusang ginawa ng santo upang masunod ang yapak ni Kristo o kaya'y ang mga milagrong naganap sa buhay nito o pagkaraan nitong maging martir. Tulad ng sermon o talumpati, waring kailangan lagi nitong maging mahaba, maligoy, at bombastiko (Alalahanin ang tula sa koronasyon bilang isang anak nito.) Subalit kailangang lumitaw itong kapani-paniwala dahil nakabatay sa totoong ulat o talambuha) (bagaman hindi maiiwasan ang dagdag at eksaherasyon) ang bawat detalye, at dahil kung sakali'y may karapatan ang nakikinig na usisain ang katunayan nito. ...

{16.10}
Maingat kapuwa sina H. Flores at M.H. del Pilar sa paglalatag ng kanilang pang-usig. Kaya ginamit nila mismo ang pangalan ng mga buwis sa ipinaghirap ng Filipinas, gaya ng recargo at impuesto, inilista ang mga bahagi ng simbahang ginawa sa sapilitang pawis at ambag ng dukha (organo, kampana, aranya, damasko, kumbento), at ikinuwento ang pagpaslang ng mga relihiyoso sa naging kaaway na si Gobernador Bustamante. At kaya mahahaba ang kanilang hibik, 64 saknong ang kay H. Flores at 81 saknong ang kay M.H. del Pilar. Parang mga maikling awit hinggil sa kasaysayan ng Filipinas sa ilalim ng mga sakim at abusadong fraile, na marahil ay pagmumulan ng ganito ring mga awit hinggil sa Himagsikang Filipino nitong magsisimula ang ika-20 siglo. ...

{16.11}
Kung dahil lamang sa haba ay ibang-iba ang "Katapusang Hibik ng Filipinas" ni Bonifacio. Napakaikli nito, 14 saknong lamang. Ngunit taglay naman nito ang pasyong pampolitika at ang kaukulang himig at retorika ng Katipunan bilang utak ng Himagsikang Filipino. Sa pangkalahatan, may himig itong ini na inip, hinubdan ng himig ng pagsamo at pag-amo, at may patalastas ng poot na waring ngayon lamang narinig sa loob ng panahon ng kolonyalismo. Kung ipapaloob ito sa kumbensiyon ng moro-moro, isasama ito sa ditso ng mga kontrabidang Moro....

{16.12}
Bakit nga ba ito pinamagatang "Katapusang Hibik ng Filipinas"? Pamagat ba itong isinulat ni Bonifacio? Walang nakatitiyak. Lumitaw itong limbag nitong ika-20 siglo sa aklat na The Writings and Trial of Andres Bonifacio (1963) na pinamatnugutan ni Teodoro A. Agoncillo at inilathala ng Lungsod Maynila para sa pagdiriwang ng ikasandaang kaarawan ni Bonifacio....

{16.13}
Ngunit nasaliksik ko pagkuwan na kinopya lamang ni Agoncillo ang mga akda ni Bonifacio mula sa isang di-nalalathalang manuskrito na Si Andres Bonifacio at ang Katipunan ni Jose P. Santos at inilahok sa timpalak pagsulat ng kasaysayan noong 1947-48. Nakakita rin ako ng isang limbag na kopya ng tula na may salin sa Espanyol at may petsang Disyembre 1896 at pamagat na "Hibik ng Filipinas sa Ynang Espana." Gayunman, maaaring nanaig ang pamagat ngayon dahil sa diwa ng panghuling taludtod ("paalam na Ina, ang panghuling tawag") at dahil sa pangyayaring ito ang maituturing na pangwakas na hibik pagkaraan ng mga hibik nina H. Flores at M.H. del Pilar. ...

{16.14}
Minsan ay nasabi ko nang bahagi ng panitikang-bayan ang mga akda ni Bonifacio dahil sa pangyayaring walang nakapagtago ng orihinal ng kaniyang mga sinulat at dahil sa lumitaw na iba't ibang bersiyon ng mga akda niya sa panahon ng Himagsikang Filipino at hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Ang sinabi kong limbag na kopyang may salin pa sa Espanyol ay isang halimbawa. Nasa pag-iingat ito ngayon ni Manny Encarnacion at dapat suriin. May petsa itong Disyembre 1896 ngunit naniniwala akong kopya na ito ng kopya at maaaring nilimbag lamang pagkaraang kumalat ang kopya ng tula na matagal nang sinulat ni Bonifacio. ...

{16.15}
Ito rin ang dahilan kaya may mga pagkakaiba ang mga bersiyon, halimbawa'y ang kopya ni J.P. Santos at ang kopya ni Encarnacion. May taglay ding pagkakaiba ang bersiyon ni Agoncillo, bagaman higit na dahil sa kaniyang pakikialam at dahil sa pagkakamaling tipograpiko. (Samantala, may ginawa din akong pakikialam upang mapunuan ang pagkukulang sa mga makikitang bersiyon ngayon at upang makapagdulot ng higit na mapagtitiwalaang kopya alinsunod sa iginagalang kong kakayahan ni Bonifacio bilang makata. Nakapaloob sa panaklong ang mga dagdag kong salita upang masunod ang sukat at diwa ng tula ni Bonifacio, at upang makatulong din sa pagkinis ng limbag na panitikang-bayan.)...

{16.16}
Sa kabilang dako'y may malakas na mga palatandaan ng matalik na kaalaman ni Bonifacio sa katutubo't popular na panitikan. Kahit kabataan pa lamang ay nagpakita na siya ng hilig sa malikhaing gawain, at sa takdang gulang ay naging aktor sa komedya. Kaya maalingawngaw sa komedya ang kaniyang mga akda. Tiyak na lumahok din siya sa mga pagtula kung lamayan, gaya ni M.H. del Pilar, at nagsaulo ng mga loa at kundiman....

{16.17}
Subalit hinihingi ng kaniyang pagkakataon at mithi ang isang higit na maikli at maalab na hibik. Nilagom niya ang mga paglalahad nina H. Flores at M.H. del Pilar hinggil sa abuso ng mga fraile, subalit ngayo'y inalis niya ang pagsasakdal sa mga ganid na alagad ng Simbahan at ibinunton ang buong sisi sa Inang "pabaya't sukaban" - sa Espanya. Kaagapay nito'y ibinabala niya ang napipintong "araw ng poot" ng Katagalugan, ang himagsikang totoong sumiklab noong Agosto 1896....

{16.18}
Bukod sa sinopsis ng mga naunang hibik ng Propagandista, may isa pang malinaw na bukal ang masiklab na pighati ni Bonifacio. Ito ang panimulang hibik ni Florante hinggil sa marawal na kalagayan ng Albanya. Kailangan lamang sipiin ang mga saknong 13-25 sa "Punong Salita" ni Balagtas at ilatag sa ibabaw ng tula ni Bonifacio upang maaninag ang maestrong padron ng hull. Ang sinasabing alegorikong paraan ng pagbubunyag sa naghaharing "kaliluha't sama" sa bayang sawi ni Florante ay naging tahas na pagsisiwalat sa "dagat ng dusa ng karalitaan" na tatlong dantaong tiniis ng mga Tagalog. Kaya't pagsasabi ng tinig Katipunero na ... ay waring hinalaw lamang ito sa daloy ng saknong 21 ni Balagtas: ... ...

{16.19}
Napakagandang pagtitiyap din ang nasa malaking titik na pantawag sa "Langit" at sa "Ina" ng dalawang tula. Pagtabihin pa ang bulalas na "Mahiganting Langit" sa bungad ng saknong 13 ni Balagtas at ang "Inang mahabagin" sa V-20 ni Bonifacio para madama ang inaasam na "awa" at "habag" sa inaakalang Birhen ng Laging Saklolo. (Maaari pang isingit sa pagitan ng Langit at Ina ang "bunying Monarca" ni Plaridel.) Kung tutuusin, iisa naman ang trono ng tuon ng dalawang panawagan - ang "Langit" ni Florante ay isang banyagang lunan na itinuro din ng banyagang "Inang" Espanya ni Filipinas, at maaaring ituring na magkasapakat upang malubog sa dalita't lupit ang katwiran at bait....

{16.20}
Gayunman, humakbang nang malaki ang panawagan ni Bonifacio mula sa himutok ni Balagtas. Nagsimula ang apostrope ni Florante sa isang malumbay na paghahanap sa katarungang dapat sana'y idulot ng Langit ("Mahiganting Langit, bangis mo'y nasaan?") at nagtapos sa isang pansamantalang pag-asa sa posibleng lihim na "kagalingang" ninanasa ng Langit dahil sadya namang imposible, para kay Florante, na makaligtas sa kaniyang napipintong kamatayan kung hindi siya tutulungan ng Langit: ... ...

{16.21}
Samantala, nag-umpisa sa isang mataas na antas ng pagkamulat ang tinig ng "Katapusang Hibik." Hindi na ito sumasamo ng panambitan. Sa halip, nagpapatalastas ito ng sumbat. Isa itong tinig na patuos, ang natural na tinig ng himagsik. Ang listahan ng mga dinanas na pagkadusta ng mga Tagalog ay tila mga sakdal sa Huling Paghuhukom, mga "bigat" ng kasalanang ipinataw sa mga Tagajog at panahon na upang singilin sa totoong pinagmulan ng lahat ng pighati—ang Langit at Inang Mananakop. (Masdan ang tumbasang parikala ngayon sa "arao na capitapita" ni Fray Pedro de Herrera at sa "araw ng poot ng Katagalugan" ni Bonifacio.) Anupa't sa wakas, ang lunggating ginhawa ng Katagalugan o Filipinas ay nasa pakikihamok upang mapalayas ang "Inang kuhila" sukdang silang lahat ay mapuksa. ...

{16.22} (3)
Basahin pa nang pahambing ang wika ng alegorya ni Balagtas at ang wika ng kasaysayan ni Bonifacio. Halimbawa, narito ang popular na mga saknong 14 at 15 ni Balagtas: ......

{16.23}
Hindi ba't tila tagilid na timbangan ng mga tauhan sa isang dulang relihiyoso noong Edad Medya ang nakatanghal sa nasabing mga taludtod? May tunggalian ng mga Birtud at Bisyo ngunit salungat sa leksiyong Kristiyano ay nangingibabaw ang mga kontrabidang Lilo, Asal Hayop (Hindi ba't may tauhan ding ganito sa drama simboliko nitong Panahon ng Amerikano?), Taksil na Pita, Sukab, at iba pang alagad ng Masamang Loob. Nakayuko naman dili kaya'y nakalibing sa "hukay ng dusa't pighati" ang Kagalingan, Bait, Santong Katuwiran, at iba pang tagapamansag ng Magandang Asal. ...

{16.24}
Kapag isinulat sa malaking titik ang mga naturang katangian ng tao at lipunan, gaya ng ginawa ko, ay masisinag ang pananagisag na Kristiyano bflang bukal ng kapangyarihan ng wika ni Balagtas. Sakali mang nakasanib sa mga naturang katangian ang katutubong halagahan sa biihay ng mga Tagalog, lalo na yaong nauugnay sa "puri" at "dangal," sa loob ng panitikang bunga ng kolonyalismo ay tumitingkad ang banyagang pinagmulan ng mga ito dahil sa ipinaloob nang bisang Kristiyano sa mga ito sa panahon ng pananakop na Espanyol. ...

{16.25}
Sa kabilang dako, mga ebidensiya mula sa totoong karanasan ng taumbayan sa panahon ng pananakop ang itinatanghal ng tula ni Bonifacio. Kapag inaresto ang isang Tagalog, ginagamit ang lahat ng makinarya ng pagtanggal sa kaniyang dangal. Iginagapos siya nang mahigpit at ipinaparada sa lansangan upang masaksihan ng lahat ang aabutin niyang sikad, suntok, at kulata ng baril. Sa loob ng bilangguan, ibibitin siyang parang hayop, laJatiguhirl, bubugbugin, dili kaya'y ikakabit sa mga makina ng pagpaparusa (Tandaan ang mga hirap na inabot ni Tarsilo at ibang napagbintangang "insurekto" sa Noli.) O kaya'y kokoryentihin ang katawan, tatanggalan ng kuko, kaya't kung sakaling mamatay ay "linsad na ang buto't lamuray ang laman" kapag inihulog sa libingan. ...

{16.26}
Mabuti nga kung ililibing pa ang biktima ng tortiyur. Ang iba'y itinaapon lamang sa dagat. At mabuti nga kung unti-unti pang parusahan. Ang iba'y binabaril sa halip na hulihin. (May salvage na noon!) Ang iba'y pami-pamilyang nilalason upang malipol. Ang makaligtas sa ganitong "dustang kamatayan," sa wika ni Balagtas, ay nakatakda namang habambuhay n'a rftagdusa sa nagsala-salabat na patente, rekargo't impuwesto, at mga buwis na kailangang bayaran kahit mamulubi. ...

{16.27}
Kahit nga diumano ang pagiging alumbrado ay binabayaran ngunit sa kasawiang-palad ay ni hindi makasilip ang nagbayad ng kahit munting liwanag. Sa kabilang dako, ang yamang-likas ng bayan (na inilistang mabuti ni M.H. del Pilar sa kaniyang hibik) ay kontrolado ng mga dayuhan at kailangan pang buwisan ng mga katutubong may-ari upang magamit nila bilang bukirin o palaisdaan. (Tandaan dito ang sinapit ni Kabesang Tales pagkaraang mag-alaga ng mga nakaabitong "buwaya.") Sa kabila nito, ang huling himutok ng Filipinas sa Inang Espana: ... ...

{16.28}
Magmula sa mga hibik nina H. Flores at M.H. del Pilar, naging masigasig ang wika ng pagtula tiingo sa dokumentasyon at pagtitipon ng katunayan ng pighati. Kaya kahit ang wika ay natigib sa bokabularyo ng paninikil, at kapansin-pansing hiram ang marami sa mga ito sa Espanyol (kulata, makina, patente, rekargo, impuwesto, atbp.) dahil sadyang dulot ng kolonyalismong Espanyol. Mga salita itong wala kahit sa hiniram na bokabularyo ng pasyon at lalo nang wala sa kundiman ng sawing pagsinta, ngunit isiningit ng kasaysayan sa pagtula upang idiin ang pangyayaring nakabatay sa aktuwal na karanasan ang mga hibik. ...

{16.29}
(4) Ngunit hindi lamang katunayan ng pighati ang interes ng "Katapusang Hibik ng Filipinas." Interesado din itong ipahayag ang isang masidhing lunggati na hindi nabigkas ng mga Propagandista. Magandang balikan ukol dito ang mga pangwakas na payo ng Inang Espana sa hibik ni M.H. del Pilar. Pagkaraang ikuwento kung paanong pinalayas ng nagalit na taumbayan sa Europa ang mga fraile ay tila nagmumungkahing ipinawika ng makata sa Inang Espana ang ganito: ... ...

{16.30}
Sinasabi nga ni M.H. del Pilar na magtiis ang Filipinas dahil hindi makasasaklolo ang Inang Espana. Ngunit sinasabi niya ito nang may pasubali. Kailangan diumano ng sinumang nais makaahon mula sa pagkaduhagi ang puhunang "pamamayani." Kailangan ang sakripisyo ng isang bayani kung nais mapalayas ang mga kaaway at makapangyarihang fraile. Kung walang anak ang Filipinas na handang humarap sa lahat ng panganib at kamatayan ay talagang nakatadhana itong magtiis sa habang panahon. ...

{16.31}
May pailalim na hamon ang naturang pangwakas na payo. Kailangan ang paghahain ng biihay para matubos ang bayan mula sa kahirapan. Ginamit dito ni M.H. del Pilar ang "natimawa" - ang salita sa pasyon na itinapat sa Kristiyanong dalumat ng redencion o katubusan mula sa kasalanan - at mahahalata ang pagwawangki ng dustang kalagayan ng bayan at ng orihinal na sawing kalagayan ng tao bago tinubos ni Kristo. Kailangan ang mga martir na anak ng bayan para makaligtas ang Filipinas mula sa kolonyalismo. Muli pa itong inuntag ng makata sa pamamagitan ng patulang pagsipi sa "Awit ni Maria Clara" sa Noli: ......

{16.32}
Ang naturang hamon ang tahasang sinagot ng "katapusang hibik" ni Bonifacio. Handa nang itakwil ng Filipinas ang sariling ina. At handa na ring mamatay ang mga anak ng bayan upang matapos ang tiniis na tatlong dantaon ng dalita. Sa larangan ng tayutay at sayusay, itinanghal ang naturang maalab na pasiya sa pamamagitan ng mga tumbasang nagtataglay ng balintuna at pangungutya. Sa isang banda, inihahanda ng haraya ang sarili mula sa kasalukuyang "dagat ng dusa ng karalitaan" tungo sa "sigwang masasal ng dugong aagos." ...

{16.33}
Sa kabilang banda, nilait ang Ina bilang "pabaya't sukaban" at "kuhila" at sa wakas, "walang habag" bilang kabaligtaran ng mahabaging Mahal na Ina sa pasyon. Sino nga bang ina ang nagdudulot ng dalita't pasakit bilang pagpapalayaw sa anak? Sino nga bang ina ang naghahandog ng "kasakit-sakit" bilang lunas sa karamdaman ng anak? Sa ganito mabubuo ang napakalakas at patimbang na parikala sa taludtod XIII-51, 52: ... ...

{16.34}
(5) Napakahalaga sa naging anyo ng pahayag ni Bonifacio ang malikhaing tungkulin ng lunggati. May mga pandama ang tao upang damhin ang daigdig at unawain ang karanasan. Subalit ang lahat ng naging pagsulong ng tao sa kasaysayan, ang lahat ng naganap na paggamit niya ng kalikasan tungo sa tinatawag ngayong kalinangan at kabihasnan, ay bunga ng haraya, ng harayang pinakikilos ng masisidhing lunggati. Ang lunggati ay higit sa paghahanap lamang ng kasiyahan para sa mga pangangailangang pantao at mga pithayang sikolohiko. Ang lunggati ay isang lakas na nagtutulak sa haraya upang maghanap ng bago at naiiba, tumuklas ng lunas at solusyon, at bigyan ng anyo ang anumang posibilidad. Ang lunggati ang nagtatanim ng binhi mula sa wala upang magkabuhay ang kawalan....

{16.35}
May dalawang kambal at magkasalungat na tangunin ang lunggati. Sa isang banda, binibigyan nito ng ayos at patnubay ang daigdig at karanasan, sinusuri alinsunod sa isang pamantayan, at hinuhubog ang anyo at kahulugan. Tinatawag itong katwiran. Sa kabilang banda^ may lunggati namang pangahas at mapanggalugad sa di-batid, hinahamak ang panganib alang-alang sa pagbabago, at ginaganyak ang kakayahan ng tao para sa anumang maaaring gawin. ...

{16.36}
Tinatawag naman itong pangarap. May mga pagkakataong tinutuya ng katwiran ang pangarap bilang guniguni, katha-katha, at suntok-sa-buwan. May mga pagkakataong inuusig ng pangarap ang katwiran sa konserbatismo nito, segurista't mababaw na kaligayahan. Subalit magkatulong na inuugitan ng katwiran at pangarap ang bawat kislot ng buhay sa mundo, ang bawat mabuong lipunan at lungsod ng tao, ang bawat lunggating baguhin o dagdagan ang katotohanan. ...

{16.37}
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkasikil, katwiran ang nagtulak sa harayang katutubo upang suriing mabuti ang nadaramang pighati. Nakabuo ito ng panimulang tinig sa pag-uusisa ni Balagtas, sa pamamagitan ni Florante. Mula dito, mabilis na sumulong ang katwiran sa landas palabas "sa isang madilim, gubat na mapanglaw." Katwiran din pagkuwan ang nagturo na dulot ang nadaramang pighati ng masamang kaayusan sa lipunang kolonyal. Nasa likod ng gayong pighati ang damdaming nagkapangalan na "pag-ibig sa tinubuang lupa." ...

{16.38}
Kung noon pa'y nagiging sanhi ng malungkuting salamisim ang iba't ibang uri ng indibidwal at personal na sawing pagsinta, itatanghal ng katwiran na higit ang bigat ng pighating dulot ng sikil at panlahat na pag-ibig sa bayan. Ganap na lumiwanag ang katwirang ito sa pamamagitan ng mga katunayang tinipon at pinalaganap ng panitikang Propagandista. Isinanib din ng mga Propagandista sa kanilang katwiran ang pangarap ukol sa katarungan. Matitighaw lamang ang pighati, o giginhawa lamang ang bayan mula sa bigat ng pighati, kung iiral ang mga repormang magdudulot ng higit na makataong pagtingin sa mga sakop, lalo na kung ituturing ang mga sakop na kapantay ng mga mamamayan ng Espanya, at pananagutin ang mga fraile't opisyal ng gobyerno sa mga naganap na pagmamalabis. ...

{16.39}
Sususugan ng tinig Katipunero ni Bonifacio ang pangarap ng mga Propagandista. Ipapahayag ng katwirang Katipunero na hindi ipahihintulot ng kolonyalistang kaayusan ang katarungan para sa mga sakop. Kokontrahin lagi ng mga institusyon ng kolonyalismo ang repormang makababawas sa kapangyarihan at pribilehiyo ng mga ito. Sa gayon, ipapanukala ng tinig Katipunero ang isang bagong pangarap—ang Kalayaan. Sa "Katapusang Hibik ng Filipinas," ito ang sagot sa pangwakas na'hamon/payo ni M.H. del Pilar. ...

{16.40}
Nangangahulugan ito ng lubusan at makirot na pagtatakwil sa naghaharing kaayusan, makirot dahil halos katulad ng pagtatakwil sa sariling ina, at ng pagiging handang ibuwis ang buhay alang-alang sa naturang lunggati. Hindi pa mabibigkas sa "Katapusang Hibik ng Filipinas" ang salitang "kalayaan" ngunit lilitaw ang anyo nito sa pasyon - "pagkatimaua" - sa tulang "Pagibig sa Tinubuang Bayan" ni Bonifacio, at upang sa wakas ay buong tamis na bumukad sa kaniyang satin ng "Huling Paalam". ...

{16.41}
May munting siste dito. Sa isang banda, hindi mga orihinal na tula ang "Pagibig sa Tinubuang Bayan" at "Huling Paalam" ni Bonifacio. Ang una ay hango sa sanaysay na "Amor Patrio" ni Rizal na isinaling "Pagibig sa Tinubuang Lupa" ni M.H. del Pilar. Ang ikalawa ay salin ng "Mi Ultimo Adios" ni Rizal. Subalit ginamit na pagkakataon ni Bonifacio ang dalawang tula para itudling ang kaniyang mga pansariling saloobin hinggil sa pag-ibig sa bayan, na kung sakali'y dagdag sa napulot ni Rizal mula sa ideolohiya ng Rebolusyong Pranses, at siyang uugit sa maaaring tawaging etika ng rebolusyon sa loob ng Katipunan. ...

{16.42}
(Kailangang bungkalin pa ng ibang pag-aaral ang pagdalumat sa "puri,' at "dangal" ng Katipunan mula sa gunita ng karunungang-bayan. Dito lilitaw na ang mithing himagsikang pambansa ng Katipunan ay may kaakibat na panukalang pagbabago tiingo sa pagiging tao ng sakop, ang ibig sabihin, kailangan sa ganap na pagkakaroon ng kalayaan ang pagsilang ng isang bagong Filipino—ang tao na muling nag-aangkin ng dangal sa sarili upang tunay na makapagsarili. Hindi magtatagumpay ang himagsikang pampolitika kung hindi masasabayan ng pagbabanyuhay na moral ang napinsala't nadustang katauhan ng biktima ng kolonyalismo. Baka nga ang bagay na ito, ang tinatawag ding "rebolusyong panloob" ni Apolinario Mabini, ang sanhi ng pagkabigo ng Himagsikang 1896 at nalilimot na salik ng mga programang pampolitika at pangkabuhayan hanggang sa kasalukuyan kaya hindi sumulong tiingo sa isang magandang wakas ang kapalaran ng Filipinas.) ...

{16.43}
Sa kaniyang salin ng "Mi Ultimo Adios" higit na luminaw ang layunin ni Bonifacio na muling-isulat si Rizal alinsunod sa pangarap at mithi ng Katipunan. Sa ika-18 saknong ng salin, ganito niretoke ni Bonifacio si Rizal: ... ...

{16.44}
Sa saknong na ito lumitaw ang salitang "kalayaan" na noo'y lumaganap na bilang misyon ng Himagsikang Filipino laban sa Espanya, ginamit nang pamagat ng peryodiko ng Katipunan, at sinasambit-sambit na sa mga pulong at pakikihamok ng mga Katipunero, ngunit wala sa orihinal na tula ni Rizal. Titigan pa ang huling taludtod ng naturang saknong: "ang kalayaan mong ikagiginhawa." Kung bigat ang pighati ng bayang inaapi sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol, hindi naman talaga kamatayan at pag-akyat sa Langit ang tunay na ginhawa. Sa halip, ang tunay na ginhawa ay makakamit sa lupa, gaya ng nais sabihin hina M.H. del Pilar, kung makakamit ng bayan ang kalayaan. ...

{16.45}
Ang pagkalikha ng "laya" at ng mga anyo nitong "malaya" at "kalayaan" ang pinakamataas na antas ng pangarap sa wikang katutubo. Ibang-iba ang diwang pilosopiko't pampolitika nito sa "katubusan" at "pagkatimawa" sa pasyon. Wala ito sa wika ni Balagtas, at unang namalayan lamang ni Rizal nang gamitin ni M.H. del Pilar sa pagsasalin nito ng "Amor Patrio" sa Tagalog. Sinikap ipaliwanag ito ni M.H. del Pilar sa isang di-natapos na sanaysay bago yumao. ...

{16.46}
Subalit lubusang isinanib ito sa wika ng sambayanan ng tinig Katipunero ni Bonifacio. Sa loob ng orden at kasaysayang kolonyal ng Filipinas, ang tinig Katipunero ni Bonifacio (at siyempre, kasama si Emilio Jacinto) ang pinakaradikal na tinig pampolitika sa panitikang pambansa. Nakasalalay sa "kalayaan", at sa kabuuang diwa nito, ang orihinalidad at kadakilaan ng pagtula ni Bonifacio. ...

{16.47}
At dahil na rin sa mithi at kahingiang pampolitika ng pangarap na kalayaan, hindi kailangang umimbento ng bagong paraan ng pagtula si Bonifacio. Hindi niya kailangang mag-eksperimento sa anumang aspekto ng tayutay at sayusay. Sa halip, kailangang dalubhasa niyang kasangkapanin ang pagtula ng sambayanan upang mabisa niyang maipaabot sa kanila ang bisyon na gumigiyagis at nagpapaalab sa kaniyang puso't haraya. Kaya mapapansing iisa ang anyo ng mga taludtod ni Bonifacio—ang anyo ng awit na may sukat na lalabindalawahin at naging popular nitong ika-19 siglo lalo na dahil sa lehitimasyon ng pagtula ni Balagtas. Tigib sa alingawngaw ni Balagtas at ng panitikang-bayan ang kaniyang wikang Katipunero. Balikan halimbawa ang kaniyang paglagom sa tadhana ng bayan kapag sinunod at di-sinunod ang pangarap na kalayaan sa XIII-51, 52: ...

{16.48}
Malinaw na pinagsalungat dito sa patimbang na mga taludtod ang magkatunggaling lunggati ng sakop at ng mananakop. Sa isang panig, malaking ligaya (o ginhawa) ng mga sakop na anak ng bayan ang kamatayan alang-alang sa pangarap na lumaya. Sa kabilang panig, malaking tuwa ng mga kolonyalista ang pagkadusta ng mga sakop. Titigan naman ngayon ang wika ni Bonifacio. Ang "paraiso" at "langit" ay kapuwa hango sa pasyon samantalang tinig ng panambitan sa sawing pagsinta ang bukal ng mga naturang taludtod at ng kabuuang tula. ...

{16.49}
Walang bago sa bokabularyo ni Bonifacio. Subalit bilang wika ng tinig Katipunero at sa loob ng pangarap na kalayaan, ang dalawang taludtod ay nagiging orihinal na talinghaga para sa nais ipahayag na himagsik. Pagkatapos maibalik ang katutubong haraya sa sariling lupa sa panahon ni Balagtas, muling masugid na iniagapay ng tinig Propagandista at tinig Katipunero ang pagtula sa takbo ng buhay at kasaysayan ng bayan. ...


4 Analyse Prädikat - Subjekt / Pagsusuri Panguri - Paniyak

Luma at kasalukuyang daglat
LumaBago
P-PP-PPariralang panaguri
PSPTPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak
PSPPTPPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguri - Paniyak - Panaguri
YPSYPTPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak
YPSPYPTPPagkakasunud-sunod na karaniwan: Panaguring may ay - Paniyak - Panaguri
SYPTYPPagkakasunud-sunod na kabalikan: Paniyak - Panaguring may ay
ICSGGTPanggitagang paniyak (Panaguri - (Paniyak) - Panaguri)
P-VP-DPariralang pandiwa
P-NP-NPariralang makangalan
P-JP-UPariralang pang-uri
P-A/EP-ODPariralang pangkaroon
P-AP-KPariralang pandako

P-PPS(P)PS(P) angYPS(P) SYPSYP angSumme

P-V5904 5068
P-N800 7015
P-J601 108
P-A/E1101 1013
P-A100 001
Zw.-Summe8506 140105
ICS--- --4
Gesamt 109


Armin Möller
http://www.germanlipa.de/text/almario_2006.html
09.... - 220531

Ende / Wakas
Almario 2006: Pag-unawa sa Ating Pagtula

↑↑   Werkstatt / Gawaan   Ugnika