8 Mga Ngalan at mga Pariralang Makangalan

8-1 Pambungad at katuturan

(1) Pangngalan (susi {N}) at panghalip (susi {H}) ang mga ngalan. Salitang pangnilalaman ang mga pangngalan, karaniwan din ang mga panghalip. Sa panggitaga, maaaring kumilos gaya ng hutaga ang panghalip.

(2) Halos walang katangiang pansarili ang pangngalan sa wikang Filipino. Mahirap na ibukod ang pangngalan sa ibang bahagi na panalita. Malinaw ang paglulugar sa mga pangngalan sa sumusunod na mga kalagayan:

Mahirap ang paghihiwalay sa pang-uri ({9-1 (3)}, pati kulay at pamilang), pati sa pandiwari at iba pang anyo ng pandiwa (halimbawa: inihaw, pakiusap ◊, sabi ◊).

Pampalaugnayang gaya ng pangngalan ang pangngaldiwa. Maaaring nagagamit na pangngalan ang pandiwari (pandiwaring makangalan).

(3) Sa Patakaran, ang pariralang may ngalan bilang salitang-ubod ang pariralang makangalan (susi {P-N}). Ito ang kaisa-isang pariralang pangnilalaman na maaaring gamitin sa lahat ng anim na pariralang pangkayarian. Magamit itong panaguri at paniyak. Bilang pantuwid, pandako at panlapag, ito'y kaganapan ng pandiwa o panuring sa pangngalan. Pariralang malaya ang pariralang makangalang pang-umpog.


8-2 Mga pangngalan

May pangngalan bilang salitang-ugat ang halos kalahati ng Filipinong angkan-salita. Gayunman, may panlapi ang karamihan sa pangngalan. Mayroon ding pangngalang tambalan ang wika.

Madadalas na pangngalang walang panlapi (salitang-ugat)

bahay bansạ buhay isip sagọt taọn


8-2.1 Panlaping bumubuo ng pangngalan

(1) Maraming panlapi ang ginagamit upang bumuo ng pangngalan. Sa ilang kalagayan, hindi madaling ibukod ang pangngalang may panlapi sa pangngaldiwa. Maaari ring bumuo ng pang-uri, pang-abay at pandiwa ang karamihan sa panlapi.

Panlapi ng pangngalan

-an (2 3) i- (2) -in (2)
ka- (1) ka-&- (5) ka--an (ka- 10)
ka-&--an (ka- 11) kapa--an (ka- 14) kapang--an (ka- 15)
kina--an (ka- 14) mag- (2 3) mag-&- (5)
mang-&- (2) may- (3) pa- (6)
pa-&- (10) pa--an (pa- 12) pagka- (pag- 7)
pagkaka- (pag- 11) pagkama- (pag- 7a) pagkang- (pag- 7b)
paki- (2) pala--an (pala- 2) pampa- (pang- 9)
pang- (1) pang--an (pang- 5) pang--in (pang- 7)
pinaka- (1) sang- tag-
taga- (1 2) tagapag- (taga- 3)

(2) Mapapansin ang Espanyol na panlaping -era, -ero at -deryạ na ginagamit kasama ng ugat-salitang Filipino (pakialamero ◊, karinderyạ ◊). Binubuo sa tulong ng hulaping -ay at -oy ang palayaw ng pangalan (Tinạy, Totoy, Pinọy). May kasarian ang mga ito, marahil dahil sa pagkakabisang Espanyol.


8-2.2 Pangngalang tambalan

May pang-angkop na -ng/na o wala ang pangngalang tambalan. Karaniwang ginagamit ang anyong -ng [1], samantalang kinakaltas ang salitang na [2 3]. Sa ilang palagayan, gumagamit ng gitling [1 2 5]. Alinsunod sa paraan ng pagsasanga sa kanan {1-5.4}, unang bahagi ang salitang batayan, sinusundan ito ng salitang tumuturing. Binubuo din ang pangngalang tambalang may iniuunang pang-uri [4]. Maaari ding buuin ang pangngalan sa pamamagitan ng pag-uulit ng ugat [5].

 
Salitang batayan
[1]batasan batasang-bansa (Batasan para sa bansa.)
[2]anạkanak-pawis (Anak na may pawis.)
[3]kapitkapitbahay (Kapit sa bahay.)
[4]dila balang dila → balarila
[5]anạk anak-anakan

8-2.3 Tanging mga pangngalan

Dito tinatalakay ang ilang salitang na binibilang namin sa pangngalan kahit maaari ding sa iba pang bahagi na panalita.


8-3 Kasarian at kailanan

8-3.1 Kasarian

(1) Sa wikang Filipino, karaniwan ay walang kaibahan sa magkaibang kasarian, pampalaanyuang walang kasarian ang lahat ng ngalan. Pati mabisa ito sa tao at hayop (halimbawa: pịnsan). May kasariang panlalaki o pambabae ang ilang pangngalan (halimbawa: amạ at inạ), ngunit walang panghalip na may kasarian.

(2) May salitang hiram na Espanyol at mula sa ibang wika na may anyong panlalaki at pambabae: Pilipino - Pilipina {N/Es}, ingkọng - impọ {N/Ch}. Maaaring gamitin ang anyong pambabaeng Espanyol para sa dalawang kasarian sa Filipino (halimbawa: dentịstang lalaki {N/Es}).


8-3.2 Kailanan

(1) Karaniwan, walang kailanan ang pangngalan sa wikang Filipino, galing sa kabuuan ng nilalaman ang kailanan [1 2b 3] {8A-321 }. Gayunman maaaring ihudyat ang kailanan sa pamamagitan ng palatandaang tangi; pangunahing isahan at maramihan, sa ilang kalagayan mayroon ding dalawahan.

Maaaring ihudyat ang isahan sa pamamagitan ng:

Maaaring ihudyat ang maramihan sa pamamagitan ng:

 
[1]Pakainin mo ang manok. (Isang manok o lahat ng manok.)
[2][a b c] ... kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang mga palad ... {W Uhaw 3.13}
[3]Librong isinalin sa sariling wika … {W Salazar 1.3.3}
[4]Isang bulaklak.
[5]Salamin ni Nanay.
[6]Pakainin mo ang mga aso.
[7]Mayroon kaming tatlong aso.
[8]Umalis na sina Ana.
[9][a] Magagandang bulaklak.
 [b] Magaganda ang (mga) bulaklak. (Panuring ang magaganda sa [9a], panaguri sa [9b].)
[10]Paano na kung lahat ng kakain dito ay katulad ng kulang magbayad? {W Piso 3.3}

(2) May mahigpit na pagbubukod ng isahan at maramihan ang panghalip na panao at ang pantukoy na si/sinạ. Walang kailanan ang panghalip na pamatlig; gayunman maaaring buuin ang anyong pangmaramihan sa pamamagitan ng mga {8-4.2 (3)}. Wala ding kailanan ang panghalip na pananong; may anyong pangmaramihan na binubuo sa tulong ng pag-uulit ng ugat {12-2.1 (1)}.


8-4 Mga panghalip

Humahalili ng pariralang may pangngalan ang panghalip; dahil dito karaniwang salitang pangnilalaman ang mga ito. Sa kabilang dako, ilan sa mga pulutong ay maaaring magkaroon ng gawing hutaga, kung ganito ito'y kataga {11-4}. Binibigyan namin ng susing {H} ang mga panghalip.

Tinatalakay namin sa mga pangkat na sumusunod ang panghalip na panao, pamatlig at panaklaw, saka sa {12-2.1} ang panghalip na pananong. Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino, sa halip nito ay ginagamit ang panghalip na panaong NG at SA {8-4.7}. Wala ring "panghalip na pamanggit" ('relative pronouns') at "sugnay na pamanggit" ('relative clauses'), sa halip nito may pang-angkop at sugnay na pang-angkop. Hindi kami gumagamit ng katawagang 'panghalip na pasarili' ('reflexive pronoun'); sa amin pangngalan o pang-uri ang salitang sarili ◊.

Paradigma ng panghalip{8A-401 Θ}


8-4.1 Panghalip na panao

(1) May tatlong panauhan ang panghalip na panao (susi {HT}): Nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan, bawat isa ang may isahan at maramihan (susi {HT/1I} hanggang {HT/3M}). May ilang katangiang leksikal ang panghalip na panao. May anyong puspusang ikạw at anyong dinaglat na ka ang ikalawang panauhang pang-isahan {HT/2I}. Kasama ang kinakausap sa tayo {HT/lM}, samantalang hindi sa kamị. Ginagamit upang maghatid ng paggalang ang kayọ {HT/2M} o silạ {HT/3M}. Sinauna na ang panghalip na dalawahang katạ.

 NagsasalitaKinakausap Pinag-uusupan
 Unang panauhanIkalawang panauhan Ikatlong panauhan

Isahanakọ
{HT/1I}
ikạw, ka
{HT/2I}, {HT/2I/HT}
siyạ
{HT/3I}
Maramihantayo
{HT/1M}
kayọ
{HT/2M}
silạ
{HT/3M}
kamị
{HT/1M}

(2) Karaniwang ginagamit ang panghalip na panao sa tao lamang. Walang kasarian ang siyạ {HT/3I}. Dahil dito, isang tao lamang ang inihuhudyat sa tulong ng siyạ at kailangang gamitin ang panghalip na pamatlig upang maglarawan ng isa pang tao [1]. Maaaring ituring ang panghalip na panaong pangmaramihan sa pantuwid para ilarawan nang puspusan ang mga tao [2].

 
[1]Ngunit, kagalang-galang ito |ang duwende, {HP}| kung pagmamasdan niya |ni Samadhi, {HT}|. {W Samadhi 4.2}
[2]Naintindihan ninyo kami ni Diana. {W Suyuan 5.6}

(3) Kung maaari ay iniiwasan ang panghalip na panao sa hulihan ng pangungusap. Mahigpit ito para sa panghalip na isapantig kaysa dalapantig. Maaaring iwasan ito:

 
[3]Bigyan mo ako ng pera.
[4]Hindi ka tumayo.
[5]Wala siyang kaimik-imik habang ako'y nagsasalita.
[6]Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi. {W Damaso 4.7} {10A-412 Σ}
[7]Kung dumating si Juan ay tawagin mo ako.
Higit na maitim ang limbag = Iniiwasan ang panghalip sa hulihan.


8-4.2 Panghalip na pamatlig

(1) May tatlong 'layo' ang panghalip na pamatlig (kawangis sa tatlong panauhan ng panghalip na panao). Tumutukoy ito sa tao at bagay na malapit sa nagsasalita, malapit sa kinakausap at malayo sa nagsasalita at kinakausap (susi {HP/1} hanggang {HP/3}).

Malapit sa
nagsasalita

Unang layo
Malapit sa
kinakausap

Ikalawang layo
Malayo
 

Ikatlong layo

itọ
{HP/1}
iyạn
{HP/2}
iyọn, yaọn
{HP/3}

(2) Maaaring magamit na halili sa tao o bagay ang panghalip na pamatlig [1a 1b]. Kadalasan, ginagamit ito upang maglarawan ng iba pang (mga) tao kung ginamit na ang panghalip na panao para sa unang tao [2]. Para sa bagay, ginagamit ang panghalip na pamatlig dahil hindi kabagay ang panghalip na panao [3].

 
[1][a] Sino iyan? Ito ang kapatid ko.
 [b] Ano iyan? Ito ang tsinelas ko.
[2]Hindi siya |si Karla| makatulog dahil sa galit at pagkainis dito |kay Chris|. ... Para walang masabi ito |C|, maaga siyang |K| naghanda para sa lakad nila |K+C| kinabukasan. Nagulat pa ito |C| nang paglabas nito |C| ng kuwarto ay nakita nitong |C| naghihintay na siya |K| sa sala. {W Karla 5.203}
[3]Gabi-gabi, lumalabas ang maraming daga mula sa mga lungga. Kinakagat at sinisira ng mga ito{W Nanyang 14.12}

(3) Karaniwan, walang kailanan ang panghalip na pamatlig. Maaaring bumuo ng anyong pangmaramihan na may iniuunang pantukoy na mga [3-6].

 
[4]Nagtanong na rin siya sa mga kaibigan nila ni Russell ngunit wala ring kontak ang mga ito kay Russell. {W Pang-unawa 3.1}
[5]Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito ... {W Manunulat 3.3}
[6]Hindi siya hihingi ng tulong sa mga ito, naisaloob niya. {W Unawa 3.8}

(4) Maaaring gamitin ang panghalip na pamatlig bilang panuring gaya ng pang-uri [7] {8-7.3}. Bukod dito may pang-uring hango sa panghalip na pamatlig {9-2.3} at pati may padamdam na eto, heto, ayạn, hayạn, ayụn, hayụn.

May pangalawang anyong yun (itọ ◊) ang panghalip na pamatlig na iyọn {HP/3} na kadalasang ginagamit sa wikang pang-araw-araw, bilang panuring [8a 8b] at bilang panaguri [9]. Inilalarawan ng yun ang bagay [8a] , hindi ito mapitagan para sa tao [8b 9].

 
[7]... kung ano ang kinahinatnan ng kalahati ng kayamanang iyan. {W Samadhi 4.4}
[8][a b] Pinulot ko 'yung piso dahil kung hindi, baka nagalit na 'yung aleng taba na 'yon. {W Piso 3.5}
[9]'Yun nga ang ikinainis ng mga anak ni Nimfa. {W Suyuan 5.3}

Sinauna na (at pangwikaan sa lalawigan ng Batangas) ang anyong irị, irẹ sa halip ng itọ. Wala itong lahok sa Pagtitipong Panggawaan (sa paghahambing dalawang daang beses ang itọ).


8-4.3 Panghalip na panaklaw

8-4.3.1 kung, kahit at man

(1) Sa tulong ng pangatnig na kung ◊, kahit ◊ at man ◊ ay binubuo ng salitang pananong ang salitang tinatawag na 'panaklaw' ('indefinitum') {8A-4311}. Iniuuna ang kung [1] at kahit [2]; hutaga ang man [3]. Malimit na pinaikli ang sugnay na may pangatnig na binubuo ng kahit at man [2 3]. Magkakapareho ang kahulugan ng yaring binubuo sa pamamagitan ng kung, kahit at man. Hindi ginagamit ang salitang panaklaw kung hindi tiyak ang pag-iral [1|6].

 
[1]"Bakit?" alam mo na kung sino'ng nagtanong. {W Gubat 3.35}
[2]Hindi ako maaaring magpapasok ng kahit sino. {W Busilak 3.12}
[3]Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ... {W Aesop 3.4.5}
[4]Yong malaya kong magagawa ang alinmang gusto ko. {W Estranghera 3.4}
[5]Marahil nga ito ang mundo nila at hindi ako kabilang dito, hindi magiging kasapi kailanman. {W Material Girl 3.11}
[6]Mayroon bang nagtanong dito? (Sa [1] walang katanungan kung mayroon o walang nagtanong. Sa [6] baka walang taong nagtanong.)

(2) Nagbabago ng tungkuling pansemantika ang salitang panaklaw, nagiging salitang pasalaysay na panaklaw ang pananong. Hindi binabago ang bahagi ng panalita, binubuo ang panghalip na panaklaw [1-3] {8-4.3.2}, pang-uring panaklaw [4] {9-2.4} at pang-abay na panaklaw [5] {9-4.3.3}.


8-4.3.2 Panghalip na panaklaw

Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pangatnig na kahit, man at kung, binubuo ang panghalip na panaklaw (susi {HS}).

Kung paniyak ang panghalip na panaklaw ay maaaring gamitin ang panandang ang sa harap ng panghalip na panaklaw (maaari ding kaltasin) [1|2]. Bilang pantuwid karaniwang ginagamit ang panandang ng [3a]. Madalang ang yaring may nino [3b]. Bilang pandako minamabuti ang panghalip na kanino o saạn [4]. Sa [5], pariralang pangkaroong may panghalip na panaklaw ang panaguri. Malimit na nagagamit na panuring ang panghalip na panaklaw [6-8].

 
[1]May multa ang sinumang mahuli.
[2]Makagagawa niyan sinuman.
[3][a] Magagawa iyan ng sinuman. [b] Magagawa iyan ninuman.
[4]Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino! {W Nanyang 11.9}
[5][a] Ngunit walang sinuman sa mga kawani ang nagsalita. {W Angela 3.20}
[6]At ang kaligayahang iyon ay 'di kailanman maibibigay ng sinumang anak. {W Suyuan 5.12}
[7]Naitanim ... ni Ina sa puso ko ang ... pagpapahinuhod sa sinumang nakatatanda sa akin. {W Daluyong 15.20}
[8]... pagtitinda ng kung anu-anong pagkain sa mga kababayang manggagawa na umuupa rin ng bahay sa Abu Sherif. {W Rosas 4.19}


8-4.4 Panghalip na ANG

Magkatulad sa iba't ibang pariralang makangalang hinahalinhan ng panghalip ay may iba't ibang anyo ang panghalip na panao, pamatlig at pananong: Tinatawag itong panghalip na ANG, AY, NG at SA.

Ginagamit para sa panaguri at paniyak ang anyong magkapareho maliban sa kataliwasang ikạw - ka ◊; dahil dito ito'y tinatawag na panghalip na ANG-AY o panghalip na ANG. Ito ang mga anyong batayan, walang tanging tanda ang susi nito. Tingnan sa talahanayang {8-5} ang mga anyo.

Ginagamit ang panghalip na pamatlig na ANG upang buuin ang yaring pangmaramihang may mga. Sa pamamagitan ng panandang ng at sa ang pagbuo ng pariralang pantuwid at pandako nito [1] {11-2 (2)}.

 
[1]Hindi siya hihingi ng tulong sa mga ito, naisaloob niya. {W Unawa 3.8}

Walang anyong ANG ang panghalip na pananong, panghalip na AY ito {12-2.1}.


8-4.5 Panghalip na NG

(1) May tanging anyo ang panghalip kung ginagamit sa pariralang pantuwid. Tinatawag na panghalip na NG ang mga ito (susi {TW.H..}), inilalarawan ito sa talahanayang {8-5}.

Panghalip na NG

ko moniyạ
natin   namin ninyọnilạ

nito niyạn niyọn

Walang paggamit ng panandang ng kung panghalip na NG ang ginagamit [1-3]. Maaaring sabihin na pampalaanyuang pinagsasama ang panandang ng at ang anyong batayan ng panghalip. Labindalawa sa labing-apat na anyo ang may unang tunog na n na hindi nanggagaling mula sa anyong batayan.

Gaya ng ibang pariralang pantuwid ay nagagamit na kaganapan [1] at panuring ang panghalip na NG [2], mayroon itong gawing makahuli. Kaya nitong buuin ang panggitagang pantuwid [3].

 
[1]Itinutok niya ang mga mata sa estero. {W Anak ng Lupa 3.7}
[2] Nakaimbak sa tabi nito ang mga kahoy na panggatong. {W Nanyang 6.2}
[3]Ayon sa iniwan nitong sulat, maghahanap ng trabaho sa Maynila. {W Pang-unawa 3.1}
[4]Sa halip ng ako. (Kataliwasan ang yaring ito.)

(2) Dito binabanggit ang panghalip na ibayong kitạ ◊ {HT/21I} na ginagamit sa halip na ko ka [5]. Humahalili ito sa dalawang panghalip sa isahan, sa pantuwid at sa paniyak. Ito'y nasa halip ng dalawang parirala o dalawang hutaga ng panggitaga.

 
[5]At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas. {W Aesop 3.1.2} (Hinahalinhan ang pantuwid na ko (hahatakin ko) at ang paniyak na ka.)

8-4.6 Panghalip na SA

(1) Tanging anyo ang panghalip na tinatawag na panghalip na SA. Itinatala ito sa talahanayang {8-5}. Salitang pangnilalaman ang panghalip na SA.

Panghalip na SA

akin iyọkanyạ
atin   amin inyọkanilạ

dito diyạn doọn

(2) Ginagamit ang panghalip na panaong SA (susi {HT/K}) bilang pariralang pangnilalaman ng pariralang pandakong may panandang sa (susi {P-K=P-N(HT/K)}). Ganito ang pagbuo ng pandako bilang kaganapan ng pandiwa [1], bilang panuring sa pangngalan [2] at sa loob ng pariralang pang-ukol [3]; saka ang pandakong malaya [4] at ang pandako bilang panaguri [5].

 
[1]Hindi ko agad ibinigay sa kanya ang inihanda kong tirang kanin at ulam. {W Angela 3.8}
[2]"Ikaw ba," baling niya sa akin, "maharot ba ang tingin mo sa akin?" {W Estranghera 3.3}
[3]Nakatatawa pa rin, dahil ang ganitong mga bagay ay hindi na bago para sa akin. {W Madaling Araw 3.2}
[4]Sa akin lang, 'yong nakakakilos ako nang walang masyadong inaalala. {W Estranghera 3.7}
[5]Sa kanya ang aking noo at mga mata. {W Uhaw 3.2}

(3) Ginagamit ang panghalip na panaong SA bilang pang-uri (susi {U//HT/K}). Sa kaugnayang paari {8-4.7}, iniuunang pang-uring may pang-angkop ang panghalip na panaong SA; panlapag ang yaring ito [6]. Maaari nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang panghalip bilang pang-uri [7]. Sa [8], kaganapan ng pandiwang magịng ◊ (panlapag na walang pang-angkop) ang panghalip na SA. Kataliwasan ang yaring may inihuhuling panghalip (ganạn ◊ sa [9]).

 
[6]Isang hapon, hindi umuwi sa kanilang bahay ... si Nanay Carmen. {W Angela 3.5}
[7]Kanya akong asawa.
[8] Tinanggap ko na ang katotohanang hinding-hindi ka magiging akin. {W Madaling Araw 3.6}
[9] Sa ganang akin maaari siyang umalis.

(4) Panaguri ang "tumpak" na panghalip na panaong SA sa [10].

 
[10]"Akin 'to," sabi ni Ed. {W Bulaklak 8.28} (Pariralang makangalan ang panaguri.)

(5) Katulad ng panghalip na panaong SA ang gawi ng panghalip na pananong na SA na kanino [11-13].

 
[11]Sa kanino dapat ibigay ang bulaklak? (Kaganapan ng pandiwa ang pandakong may kanino.)
[12][a] Kanino ang lapis ito? (Panaguri ang panghalip na kanino.)
 [b] Sa kanino ang lapis ito? (Pandakong may kanino ang panaguri.)
[13]Kaninong lapis ito? (Panuring sa loob ng panaguri.)

(6) Pariralang pandako ang panghalip na pamatlig na SA kahit wala itong pananda (susi {TK.HP}); gaya ng panghalip na NG {8-4.5}). Karaniwan itong may tungkuling panlunan [14] (at dahil dito malimit na nabibilang sa pang-abay); nagagamit ding kaganapang di-panlunan ng pandiwa [15]. Ganito rin ang gawi ng panghalip na pananong na SA na saạn [16] (susi {TK.HN}).

 
[14]Ito na ang langit ko, Ka Lino! Dito na 'ko malilibing. {W Daluyong 15.08}
[15]Masayang sumalubong sa kanila si Belle. ... Iniabot dito |kay Belle| ng lalaki ang mga sariwang prutas. {W Karla 5.205} (Tagatanggap ang kaganapang dito.)
[16]Saan ko kaya sila matatagpuan, pare? {W Angela 3.18} (Pariralang pandakong malaya.)

(7) Sinauna ang paggamit ng panghalip na panaong SA kasama ang nasa. Hindi ginagamit ang panghalip na pamatlig na SA kasama ng nasa.


8-4.7 Kaugnayang paari sa pamamagitan ng panghalip

(1) Ginagamit ang panghalip na panaong SA at NG upang ipahayag ang kaugnayang paari bilang panuring. Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino. Iniuuna sa salitang kaugnay ang panghalip na SA [1]; gaya ng pang-uring makaturing mayroon itong pang-angkop; panlapag ang yaring ito. Makahuli ang panghalip na NG. Ito'y nasa likod ng salitang kaugnay o bumubuo ng panggitagang pantuwid [2 3].

Sa pananalitang pang-araw-araw, mas malimit na ginagamit ang panghalip na NG. Sa pananalitang mataas at nakasulat, minamabuti ang iniuunang anyong SA.

 
[1]Wala kaming dala maliban sa aming mga damit. {W Pagbabalik 3.3}
[2]Ipinatong ni Dr. Santos ang isang kamay niya sa balikat ko. {W Dayuhan 3.17}
[3]... ang una niyang nobelang tumalakay sa sistema ... {W Daluyong 2.7}

(2) Hindi maaaring itanong ang pariralang pantuwid {12-4.3}; pati ang panghalip na NG. Upang itanong ang kaugnayang paari ay ginagamit ang pananong na SA na kanino [4a]. Maaaring panghalip na SA o NG ang sagot [4b-d].

Ginagamit din ang anyong NG ng panghalip na pamatlig upang ipahayag ang kaugnayang paari [5 6].

 
[4][a] Kaninong baso ito? [b] Akin. [c] Aking baso. [d] Baso ko.
[5]Halos matabingan ang malalaking mga mata nito ng malalago niyang kilay. {W Pagbabalik 3.2}
[6]Nilalaro ng leon ang buntot niyon.

(3) Makauri ang paggamit ng ilang panghalip na panao (anyong SA, maaaring pag-uulit ng ugat) upang magpahayag ng kaugnayang pasarili [7 8].

 
[7]Hinahayaan nila ang kani-kanilang mga anak na tuklasin ang sarili. {W Estranghera 3.6}
[8]... at ang bawat umuupa'y may kanya-kanyang lutuan. {W Anak ng Lupa 3.4}

8-5 Talahanayan ng panghalip at pantukoy

  PaniyakPanaguriPantuwidPandako

Pananda {11-2}angayngsa

Pantukoy
{8-6.2}
 Mang mga{ay} mgang mga sa mga
TaoIsi
ang .. si
{ay} si
{ay} .. si
ni
ng .. si
kay
sa .. si
Msinạ
ang .. sinạ
{ay} sinạ
{ay} .. sinạ
ninạ
ng .. sinạ
kinạ
sa .. sinạ
Panghalip
na panao
{8-4.1}
1I akọ {ay} akọko{sa} akin
2Ika ikạw {ay} ikạwmo{sa} iyọ
21I Ikitạ
3Isiyạ {ay} siyạniyạ{sa} kanyạ
12katạ {ay} katạnitạ{sa} kanitạ
1Mtayo {ay} tayonatin {sa} atin
1Mkamị {ay} kamịnamin{sa} amin
2Mkayọ {ay} kayọninyọ {sa} inyọ
3Msilạ {ay} silạnilạ {sa} kanilạ
Panghalip
na pamatlig
{8-4.2}
1- itọ {ay} itọ nito dito
Mang mga itọ {ay} mga itọng mga itọsa mga itọ
2- iyạn {ay} iyạn niyạn diyạn
Mang mga iyạn {ay} mga iyạnng mga iyạn sa mga iyạn
3- iyọn
yaọn
{ay} iyọn
{ay} yaọn
niyọn
niyaọn
doọn
Mang mga iyọn {ay} mga iyọnng mga iyọn sa mga iyọn
Panghalip
na pananong
{12-2.1}
Tao----sino nino {sa} kanino
Msinu-sino ninu-nino {sa} kani-kanino
Bagay-anọ --- saạn
Manụ-anọ saạn-saạn

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_N.htm
30 Setyembre 2010 / 25 Disyembre 2018

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 8 Mga Ngalan (Talaksan 8/1)

Simula ng talaksan   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Ugnika