7A Mga Pangabit sa
Mga Isa-isang Uring Pampalaanyuan ng Pandiwa

{7A-101}   Sanaysay na 'Syntax der einfachen Verben'

Sa sanaysay na 'Syntax der einfachen Verben' {W Einf Verb} sinuri namin ang lahat ng pandiwang payak mula sa 150 angkang-salita (300 pandiwa). Sa gayon, maaaring makita ang mga tuntunin ng kaugnayan at – kung mayroon – ang kataliwasan dito.


{7A-111 Θ}   Unlaping ma-

(1) Napakalimit na ginagamit sa wikang Filipino ang unlaping ma-, nag-iisa o sa loob ng kumpol-panlapi. Pang-uri at lalo na pandiwa ang binubuo sa pamamagitan ng ma-. Sa kumpol-panlapi, ito'y unang bahagi. Hindi ginagamit ang ma- (pati sa kumpol-patinig) upang bumuo ng pangngalan.

(2) Kung salita ang hinahango sa pamamagitan ng unlaping ma- (nag-iisa at di-dinidiinan) ay ginagamit ang dalawang iba't ibang paraan, ngunit nasa isang angkang-salita ang isa lamang (may ilang kataliwasang di-lubhang mahalaga).

Maaaring magkaroon ng (maliit na) paradigma ang salitang ma-; pang-uri ang mga ito, binubuo nito ang anyong pangmaramihan. Halimbawa:

[1] gandạ gandạ{N}
magandạ{U}
magagandạ{U/M}

Maaari ang isa pang paradigma. Bumobuo ang ma- ng pandiwang tahasan at balintiyak. Halimbawa:

[2] galit galit{N}
galịt{U}
magalit{DT00/W}
nagalit{DT00/N}
nagagalit{DT00/K}
magagalit{DT00/H}

(3) Sa tabi ng pandiwang ma- na di-dinidiinan ay may pandiwang ma- na dinidiinan. Masalimuot ang kaugnayan ng mga iba't ibang pandiwa { Himmelmann 2004}. Maaaring itayo ang tularang pinadali (maliban sa kumpol-panlapi):

Pangngalan---
Pang-urima-Katangian magandạ {9-2.2.1}
Pandiwama- Tahasan Panlagay magutom {7-1.1}
 Kilos na kamtaman matulog {7-1.1}
 Pagsanib  mahulog {7-3.1 [2*]}
 Balint.Kakayahan madalạ {7-3.1}
 Alomorfem na na- at -in- natanggạp {6A-6112}
 ma-TahasanPanlagay maibạ {7-3.5.1 [3*]}
   Kilos na kamtaman magisịng {7-3.5.1 [3*]}
  Pagsanib madap {7-3.5.1 [2*]}
  Balint.Pagkakataon mabasa {7-3.5.1 [1*]}

(4) Nagagamit na unlapi ng banghay ng pandiwang ma- ang unlaping na- sa pangnagdaan at kasakuluyan {6-6.1.1}. Dahil sa sanhing pampalatunugan, maaaring halinhan ng unlaping na- ang gitlaping pambanghay na -in- {6A-6112}.

Malitaw na inihihiwalay sa unlaping ma- ang unlaping mang- at ang pagbabago ng tunog ng ikalawa, kahit doon maaaring bumukal ang unlaping ma- (halimbawa mamalẹngke {DT00/mang+palengke}).


{7A-112}   Paggamit ng unlaping ma-

 
Salitang-ugat{U}{DT..}{DT..} {DT..}{DB..}
ma-mang--um- mag- ma-

May pang-uring ma-, ngunit walang pandiwang tahasang ma-
[1]bigạt{N} mabigạt  mamigạt bumigạt
[2]bilog{N} mabilog bilọgmamilog mabilog
[3]pulạ{N}mapulạ pulạmamulạpumulạ
[4]gandạ{N} magandạgumandạ
[5]sayạ{N} masayạsumayạ magsayạ

Mga kataliwasan: May pang-uring ma- at may pandiwang tahasang ma-
[6]abọ{N} maabọmaabọmaabọ
[7]lugọd{N} malugọdmalugọd
[8]lungkọt{N} malungkọtmalungkọt

Walang pang-uring ma-, ngunit may pandiwang tahasang ma-
[9].. wal mawal
[10]gutom{N} gutọmmagutom
[11]buhay{N} buhạymabuhaymamuhay
[12].. tapọs mataposmagtapos matapos

Walang pang-uring ma- at walang pandiwang tahasang ma-
[13].. galing manggaling
[14]patạy{N} patạy mamatạypumatạy


{7A-113}   Anyong narito, nandito atbp.

Nanggagaling sa panghalip na pamatlig na SA [2] ang mga anyong [3-6]:

Malapit sa nagsasalita
Unang layo
Malapit sa kausap
Ikalawang layo
Malayo sa dalawa
Ikatlong layo

[1]itọ iyạn iyọn HP
[2]dito diyạn doọnTK.HP
[3]naritọ (dito ◊)nariyạn naroọnDT00/N
[4]nariritọ (dito ◊)naririyạn naroroọnDT00/K
[5]nanditọ (dito ◊) nandiyạnnandoọn DT00/N
[6]nandiritọ (dito ◊)nandiriyạn nandoroọnDT00/K

Anyong makadiwang may banghay na di-ganap ang mga salitang [3-6]; hindi pang-uri:

Mga anyong [3-6] ang ipinapalagay naming anyong pangnagdaan at kasalukuyan ng pandiwang walang pawatas na [marito] atbp. at walang anyong panghinaharap. Maaari itong gamitin bilang panaguri; wala ibang pandiwa ang sugnay [7-9]. Hindi bumubuo ito ng pagtanggi sa pamamagitan ng hindị [10].

 
[7]Naroon ang pagmamalaki ng kanyang ina sa tuwing may pupuri sa kanya. {W Unawa 3.3}{P-P=P-D(DT00)}
[8]Hay, bakit nga ba ako nandito sa tabi mo? {W Madaling Araw 3.7} {P-P=P-D(DT00)}
[9]Nandiyan ka na naman tinutukso-tukso ang aking puso. {P-P=P-D(DT00)}
[10][a] Hindi ako narito.
 [b] Wala ako dito. (Pang-uring wala ang panaguri.){U}

{7A-121}   Pagbabago ng tunog sa panlaping may [ ŋ ]

(1) May huling tunog na [ ŋ ] ang panlaping mang- ◊, pang- ◊, sang- ◊ at sing- ◊. Pinapalitan ito ng [ m ] kung [ b p ] ang unang tunog ng pantig na sumusunod. May pagpapalit na ganito hanggang sa [ n ] kung [ d l r s t ] ang unang tunog ng pantig na sumusunod.

Sa pananalitang nakasulat at pang-araw-araw ginagamit ang pagbabago sa mga naturang hulapi. Maaari ring kinaltas ang unang tunog ng ugat. Karaniwang katumbas ang kahulugan ng salitang may o walang pagkakaltas ng unang tunog ng ugat (halimbawa punaspamunas at pampunas).


Pagbabago
Unang
tunog
ng ugat
Kinakaltas ba
ang unang tunog
ng ugat?

Walamang-
pang-
sang-
sing-
g h k m n
w y ŋ ʔ
Hindi gamọt [gʌ'mɔt] → manggamọt [mʌŋ.gʌ'mɔt]
abay ['ʔa:.baɪ] → pang-abay [pʌŋ'ʔa:.baɪ]
Ookahoy ['ka:.hɔɪ] → mangahoy [mʌ'ŋa:.hɔɪ]
anạk [ʔʌ'nʌk] → manganạk [mʌ.ŋʌ'nʌk]
[ m ] mam-
pam-
sam-
sim-
b pHindi bahay ['ba:.haɪ] → pambahay [pʌm'ba:.haɪ]
pulạ [pʊ'lʌ] → pampulạ [pʌm.pʊ'lʌ]
Oobilị [bɪ'lɪ] → pamilihan [,pa:.mɪ'li:.hʌn]
patạy [pʌ'taɪ] → mamatạy [mʌ.mʌ'taɪ]
[ n ] man-
pan-
san-
sin-
d l r s tHindi dila ['di:.lʌʔ] → mandila [mʌn'di:.lʌʔ]
sayạw [sʌ'jaʊ] → pansayạw [pʌn.sʌ'jaʊ]
Oosagọt [sʌ'gɔt] → managọt [mʌ.nʌ'gɔt]
tiwala [tɪ'va:.lʌʔ] → maniwala [mʌ.nɪ'va:.lʌʔ]

(2) Kung inuulit ang unang pantig, alinsunod sa bagong pantig na pansalita ang pag-uulit [1-4].

 
UgatPalaanyuanPagbabatay na wala at may pag-uulit ng pantig

[1]tahi |mang+&+tahi| manahi [mʌ'na:.hɪʔ] → mananahi [,ma:.nʌ'na:.hɪʔ]
[2]babaw |mang+&+i+babaw| nangibabaw [nʌ.ŋɪ'ba:.baʊ] → nangingibabaw [nʌ,ŋi:.ŋɪ'ba:.baʊ]
[3]kabayo |pang+&+kabayo| pangabayo [pʌ.ŋʌ'ba:.yɔ] → pangangabayo [pʌ.ŋʌ.ŋʌ'ba:.yɔ]
[4]usap |pang+&+usap| pangusap [pʌ.'ŋu:.sʌp] → pangungusap [pʌ.ŋʊ'ŋu:.sʌp]

(3) Hindi alinsunod sa tuntunin sa itaas ang pagbuo ng ilang pamilang na panunurang may pang-: dalawạpangalawạ ◊ at tatlọpangatlọ ◊. Iba pang kataliwasan ang mga salita gaya ng pangpasarạp {13-4.2.2 (2)}.


{7A-141}   Pandiwang mag- na di-tumpak

(1) Pandiwang mag- na di-tumpak na may ugat-salita galing sa banyagang wika (lalo na sa Inggles)

 
[1]mag-displey'Yun nga ang ikinainis ng mga anak ni Nimfa dahil kung mag-displey daw ang dalawang 'yan sa plaza noon ay parang mga tinedyer. {W Suyuan 5.3}
[2]magklikSa horror films ay nagklik gaya sa Malikmata at Spirit of the Glass. {W Rica 5.2}
[3]magsilbị Ngunit hindi ko gustong nagsisilbi sa mga lasing. {W Nanyang 22.29}
Kataliwasang pakunwari ang rumitreat na may gitlaping -um-. Halatang pagbabatay na may "tunog na Inggles" mula sa salitang hiram na Espanyol na rumetirado.

(2) Pandiwang tahasang may salitang-ugat na makangalan
Sa pandiwang ito, karaniwang nagiging ugat ng pandiwa ang dating pantuwid; kung kaya {DT00/fg} ang kayarian ng kaganapan (o mas wasto {DT10-10/fg}) [4]. Maaari ding maging pandiwa ang pariralang makangalan na may panuring [5].

 
[4]magbahay Magbabahay sila sa Lipa.
[5]magdalawạng isip ◊Hindi siya nagdalawang isip na sundan at hanapin agad ang dulo ng bahaghari. {W Samadhi 4.1} {13A-101 [1b] Σ}

(3) Pandiwang mag- sa halip ng pandiwang -um- dahil sa katwirang pampalatunugan
Gitlapi ang panlaping -um- na naghahati ng ugat-salita. Kung "mahirap" ito sa katwirang pampalatunugan ay pandiwang mag- ang binubuo. Halos pangkaraniwan ito sa salitang hiram at banyaga, lalo na kung isapantig ang ugat o kumpol-katinig ang unahan ng ugat. Halimbawa ang [2 6], saka magkrus, magshow.

 
[6]magtrabaho Karamihan sa tao ay kailangan magtrabaho upang mabuhay. {DT00/fg}

(4) Pandiwang mag- at pangatnig na pagkatapos at bago
Ginagamit ang pangatnig na pagkatapos (tapos ◊) at bago ◊ kasama ang pawatas ng pandiwa {13-4.2.2}. Sa pahayag ng panahon ay binubuo ang pandiwang mag- {D00} mula sa pamilang [7 8].

 
[7]bagoBago mag-alas-doze.{D00/f0}
[8]pagkatapos [a] Pagkatapos mag-ikasampung-Mayo. [b] Pagkatapos mag-Mayo-10. {D00/f0}


{7A-301}   Pagkakabago ng kakayahan

(1) Dapat talakayin nang puspusan ang katawagang kakayahan sa wikang Filipino. Nagsasaad ng tagaganap ang pagkakabago ng kakayahan. Nasa fokus ito kung ginagamit ang mga pandiwang ng pulutong na maka- {7-3.4}. Dahil dito napakalakas ang katangian ng kakayahan. Sa kabilang dako mas mahina ang kakayahan kung ginagamit ang pandiwang balintiyak ng kakayahan, dahil doon hindi nasa fokus ang may-ari ng kakayahan.

(2) Karaniwang ginagamit ang pandiwang may kakayahan kung sa nakaraan tinupad ang kilos [1]. Sa wastong pagsasalita, kung tinupat na ang kilos na mayroon itong katunayan at hindi na lamang kakayahan. Pati ang pagtanggi ng kakayahan ay katunayan [2]. Kung nagsasaad ng kinabukasan [3] o ng pahayag na pangkalahatan [4] ay "tumpak" ang kakayahan.

 
[1]Nakatulog na ako sa paghihintay sa iyo! {W Bulaklak 8.20}
[2]Naalaala ko si Ina at magdamag na hindi ako nakatulog sa pag-iyak. {W Daluyong 15.16}
[3]Kinabukasan ng hapon, nang araw na makatulog ako sa tinitirhan ng aking kasama ... {W Daluyong 15.31}
[4]Nakapagtatakang hindi ginagamit ang salitang "patawarin" bilang pantapat sa "perdon". {W Dasal 3.32}

(3) Kung gustong ipahayag ang kakayahang pangkalahatan (ibig sabihin walang kaugnayan sa katuparang tangi) ay maaaring gumamit ng pang-uri [5] o pang-abay na pangmarahil [6 7] sa halip ng pandiwa ng kakayahan (o kasama nito [6]).

 
[5]Marunong tumugtog ng piyano at mahusay umawit. {W Pag-ibig ni Rizal 3.6} {U}
[6]Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. {W Damaso 4.3} {AH/DN}
[7]Kaya kong umakyat sa punong ito.{AH/N}

{7A-311}   Pandiwa sa pagsanib ng balintiyak at tahasan na may unlaping ma- na di-dinidiinan

Walang pagkakabago ng kakayahan ang pandiwa sa pagsanib ng balintiyak at tahasan.

 
[1]mahulog[a] Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. {W Aesop 3.1.1} (Marahil balintiyak; nangyari lang, hindi tagaganap ang lobo. Marahil tahasan; tagaganap ang lobo.){DT?DB}
  [b] Nahulog ko ang tinidor. (Balintiyak; pantuwid ang tagaganap na ko; paniyak na ang tinidor ang tagatiis.){DB}
[2]masunog[a] Nasunog ang tindahang katabi ng Li Hua no'ng isang gabi. {W Nanyang 21.9}{DT?DB}
  [b] Pero masusunog ka sa init ng araw. {W Gubat 3.37}{DT?DB}
[3]matapos[a] Higit na marami siyang natapos kaysa iba. { LJE tapos}{DT}
  [b] Laging di natatapos ang laro namin ni Ate Rowena at ni Ate Sally dahil sa malakas na naririnig namin. {W Mumo 3.4} {DT?DB}
  [c] ... natapos na naman niya ang isang semester ng kursong nursing. {W Pang-unawa 3.5}{DB}

{7A-411}   Pandiwang magpa-, pa--an, pa--in at ipa-

Pandiwang DTPandiwang DBPandiwang DB Pandiwang DB
magpa-pa--anpa--in ipa-

alịs paalisịn
dalạmagpadalạ  ipadalạ
hirapmagpahirap pahirapan
kilala ◊magpakilala ipakilala
kita ◊magpakita ipakita

Hindi pandiwa ng paghimok ang pandiwang hinango sa pangngalang may unlaping pa-.

 
[1]hingạ pahingạmagpahinga |mag+pahinga|
[2]lagạy palagạyipalagạy |i+palagay|
[3]salamat pasalamat[a] magpasalamat |mag+pasalamat|
    [b] pasalamatan |pasalamat+an|
[4]tuloy patuloymagpatuloy |mag+patuloy|


{7A-412}   Pandiwang "pasarili" ng paghimok

 
[1]magpatakotNagpatakot ako sa aso.{DT00/fh?fg}
[2]magpatab Magpataba ka na. {W Madaling Araw 3.10}{DT00/fh?fg}

Sa kalagayang ganito, maaaring ibago sa magpati- ang panlaping magpa-. Mga halimbawa: magpatianọd, magpatihulog, magpatirapạ { VCS magpati-}. Madalang ang paggamit ng pandiwang ito.

May alinlangan kung may tumpak na pandiwang pasarili ang wikang Filipino at kung nababagay ang katawagang "pasarili" ('reflexive').


{7A-501}   Pandiwang pag--in, pag--an, ipag- at katumbas na pandiwang balintiyak na payak

pag--inpag--anipag--in -ani-

[1]pagluwagịn ---luwagạniluwạg {7-5.1}
[2]pagbutihin butihin {U}--- ibuti {7-5.1}
[3] pag-isipan isipinisipan {N}--- {7-5.2}
[4] paglingkurạn ---lingkurạn {N}--- {7-5.2}
[5]pagsabihin pagsabihan ipagsabi sabihinsabihan--- {7-5.3}
[6]  pagbawalan ipagbawal --------- {7-5.3}


{7A-511 }   Anyong papag--in

(1) Maaaring ipalagay na anyong panghinaharap ng pandiwang pag--in ang anyong papạg--in kung sinasabing kataliwasan ang pag-uulit ng unlaping pag- sa banghay {6-6.1.2}. Kay { VCS} ay itinatala ito bilang pandiwa (kasalungat ng ibang anyong panghinaharap):

 
[1]sikịp pagsikipịn'to make tight, narrow, or crowded'
[2]papạgsikipịn'1. to make tight or tight-fitting'
[3]'2. to cause a place to become overcrowded'

(2) Alinsunod kay { Schachter 1972 p. 327}, ang anyong papạg--in ay pawatas ng pandiwang may fokus na tagahimok na katumbas ng pandiwang mag-. Sa panghinaharap ang pangungusap na halimbawang may pag-uulit ng pantig ng ugat [5].

 
[4]alab ... upang muling papag-alabin ang buhay natin kay Kristo. {W Katesismo 3.32} (Isa-isang halimbawang may anyong papạg--in sa Pagtitipong Panggawaan.){DB00/fg}
[5]turo Papagtuturuin nila siya ng aritmetika sa mga bata. They'll have him teach the children arithmetic. { Schachter 1972 p. 327} {DB21/fg|fh|ft|fp}


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_D_09A.htm
20 Hulyo 2006 / 07 Enero 2019

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 7A Pangabit sa Mga Pandiwa (Talaksan 7A)

Simula ng pahina   Palaugnayan   Pahinang pamagat na Filipino   Ugnika