6A Mga Pangabit sa Mga Pandiwa

{6A-101}   Mga pag-uuri ng pandiwa

Mga halimbawa sa iba't-ibang katangian ng pandiwa:

PanlapiKaganapanFokus Bago

[1]Binigyan niya ng pera ang kanyang anak. -an{DB20}fpGawa
[2]Pinuntahan ko siya kahapon. -an{DB10}fnGawa
[3] Naipanggapos ng leon ang taling matibay. maipang-{DB10}fmKaya
[4]Labis kong ikinatuwa iyon. {W Angela 3.14} ika-{DB10}fsGawa
[5]Nagpadala siya ng larawan nila ni Papa. {W Nanyang 21.7} magpa-{DT10}fhHimok
[6]Basahin mo na lamang ang kalakip na sulat. {W Arrivederci 3.11} -in{DB10}ftGawa
[7]... napansin niya na pawang hugis bilog ang mga ito. {W Prutas 3.1} ma-{DB10}ftTaon
[8]At kapag nakalabas na ako, ... {W Aesop 3.1.2}maka- {DT10}fgKaya
[9]Napag-away ko ang dalawang gagamba.mapag-{DB10}fg Kaya Himok
[10]Masiglang pumunta si Nene sa kaniyang kuwarto. {W Ulan 20.13}-um- {DT01}fgGawa
[11]Siya ang nagluluto ng aming pagkain. mag-{DT10}fgGawa
[12]Nagugutom na kami.ma- {DT00}fyLagay

Bago = Pagkakabago. Gawa = Kilos walang pagkakabago.


{6A-102 Θ}   Anyong pamanahon at pandiwari

Walang pagkakaibang pampalaanyuan ang pandiwari at ang anyong may kabisaang buo. Dahil dito mukhang halata na pinagsasama ang dalawang pulutong sa isang uri. Itinataguyod ang pag-iisip na ito dahil maaaring ipalagay na sugnay na makaangkop na pinaikli ang yaring may pandiwaring makauri {13A-441 Σ}.

Maaaring piliin ang dalawang katawagan sa uring pinagsama. Maaaring sabihin na walang pandiwa ang wikang Filipino at sa halip nito ginagamit ang pandiwari. Maaari ding sabihin na may anyong pamanahon na nagagamit ding pandiwari. Sa aming palagay, magkaiba lamang ang katawagan at hindi ito mahalaga. Sa akda namin, ginagamit ang pangalawang katawagan.

Kahit walang pagkakaibang pampalaanyuan ay ginagamit namin ang katawagang pandiwari upang ilarawan ang pampalaugnayang paggamit na tangi ng anyong pamanahon kung saan nawalan ng kabisaang buo ang pandiwa. May iba pang katwiran: Madalang lamang maaaring gamitin ang pawatas bilang pandiwari. Kung kaya may pagkakaibang tunay ang paggamit ng anyong pamanahong may kabisaang buo at pandiwari.


{6A-201 Θ}   Katuturan ng kaganapan at panuring

(1) Ang mga kaganapan ang mga pariralang makangalang pansemantikang kaugnay sa panaguri (o paniyak) {*}. Unang kaganapan ang paniyak na nasa fokus ng pandiwa. Kaganapan din ang pantuwid, pandako at panlapag kung kaugnay sa pandiwa. Katawagang pansemantika ang kaganapan, ito'y paririlang kailangan sa pang-unawa.

{*}   Sa {13-2.3 (5)}, pinapalawak ang paggamit ng katawagang kaganapan sa panaguring di-makadiwa.

(2) Mga panuring ang yaring pampalaugnayang pang-ibaba sa salitang pang-ubod ng iba pang pariralang pangnilalaman {1-6.2 (2)}. Kaya katawagang pampalaugnayan ang panuring. Kung pandiwang may kabisaang buo ang panaguri ay kaganapan ang paniyak ngunit hindi panuring sa pandiwa (hindi bahagi ng pariralang pandiwa). Pati panuring ang iba pang mga kaganapan (bahagi ng pariralang pandiwa).


{6A-202}   Kayarian ng kaganapan sa palasusian

Sa palasusian ay inihuhudyat ang kayarian ng kaganapan.

Una, inihihiwalay ang pandiwang balintiyak at tahasang may susing {DB..} at {DT..} [1 2]. Hindi malinaw na napagbubukod ang tahasan at balintiyak sa mga pangungusap na walang paniyak. Inuuri namin ang mga pandiwang ito sa {D..} [3 5 6]. Bilang pandagdag, ikinakabit ang bilang ng pantuwid (unang numero) at ang bilang ng pandako (pangalawang numero). Kung kaganapan ng pandiwa ang panlapag ay maaaring idagdag ang bilang ng panlapag (ikatlong numero) [4]. Inilalarawan ang kalagayang pampalaugnayang kasalukuyan. Pag iba-iba ito sa karaniwang kayarian ng kaganapan ay maaaring idugtong ang ikalawa ([5 6], sa likod ng dalawang pahilis na guhit).

 
[1]Siya ang nagluluto ng aming pagkain. {DT10/fg|ft}
[2]Paghainin mo ng pagkain si Nanay. {DB20/fg|fh|ft}
[3]Umuulan na.{D00/f0}
[4]... ngunit nabansagan siyang Joe Carter {W Suyuan 5.4} {DB001/f0|fg|P-L}
[5]Pakiabot ng bote. {D10/f0|ft}{D10/f0|ft//DB10}
[6]Gusto kong uminom ng kape.{D20/f0|ft|fp} {D20/f0|ft|fp//DT10}

{6A-311 }   Pag-uuri sa fokus kina Schachter at Otanes

Sa akdang { Schachter 1972 pp. 283-330} inilalarawan nang puspusan ang iba't ibang fokus. Gusto itong ihambing sa pag-uuri namin at ipaliwanag ang kaibahan.

Schachter at Otanes  Paglalahad namin

Walang katawagang tangi {../f0}Walang fokus
Actor focusAF Katawagang pangkalahatan sa pandiwang tahasan
Actor focusAF {../fg}Tagaganap
Secondary actor focusA2F {../fg}Tagagawa
Actor permitting or causing the achtionAF {../fh}Tagahimok
Walang katawagang tangi {../fa}Tagaakala
Social verbs AF {../fr}Resiprokal
Intransitive verbs that are essentially non-actional in character AF {../fy}Panlagay
Goal focusGF Katawagang pangkalahatan sa pandiwang balintiyak
Object focusOF {../ft}Tagatiis
Referential focus
Uri ng fokus na tagatiis kung saan pariralang pang-ukol (karaniwang may tungkol) ang tagatiis sa katumbas na pangungusap na tahasan.
RfF Malayang pariralang pang-ukol, pakunwaring kaganapan ng pandiwa.
Benefactive focusBF {../fp}Tagatanggap
Directional focusDF {../fn}Panlunan (pinanggalingan o tinutungo)
Locative focusLF {../fn}Panlunan (pook)
Wala kaming pagbubukod sa dako at pook.
Causative focusCF {../fs}Sanhi
Walang katawagang tangi {../fl} Pagpalit
Instrumental focusIF {../fm}Kagamitan
Reservational focusRF Tanging yari ang 'reservational focus' kung hinango ang pandiwa sa pang-uring 'reservational' sa halip ng pang-uring 'instrumental'.
Measurement focusMF Walang pagbanggit na tangi.

{6A-321}   Dalasan ng yaring balintiyak at tahasan

(1) Sinuri namin ang dalasan ng yaring balintiyak at tahasan sa ilang kasulatan {W Akt-Pass}. Kung may mapagpipilian, minamabuti ang balintiyak sa mahigit na 80 % ng kalagayan.

(2) Binilang ang dalasan ng anyong pamanahon ng pandiwang payak sa Pagtitipong Panggawaan. Isinasama din sa bilang na |..| ang anyong nagagamit na "di-makadiwa" (halimbawa {N//D..}). Hindi binibilang ang pangngaldiwa.

UgatBalintiyak Tahasan

sabi sabihin |200| magsabi |8|
kita makita |170| magkita |15|
bigạy bigyạn |30|, ibigạy |35| magbigạy |30|
puntạ puntahạn |12|pumuntạ |15|, magpuntạ |25|


{6A-3421}   Tagagawa at tagahimok

(1) Sa pandiwa ng paghimok, ibinubukod ang tagagawa (taong gumagawa ng kilos) at ang tagahimok (taong humihimok ng kilos, ngunit wala siyang gawa). Iniuugnay namin ang katawagang tagahimok at tagagawa sa saligang kahulugan ng ugat ng pandiwa. Ibig ilarawan ang halimbawang [1-3]. Sa pangungusap na [4], walang pagkakabago ng paghimok ang pandiwa; sa halip nito, pag-uutos ang pansemantikang kahulugan ng ugat utos ng pandiwang utusan. Dahil dito, sa pananaw na pampalaugnayan mayroon itong tagaganap lamang (ginaganap niya ang pag-uutos) at walang tagahimok.

 
[1]Nagpaluto ako ng pansit kay Ate. Sino ang tagaluto (tagagawa)? Ate.
[2]Pakainin mo ang aso. Sino ang tagakain (tagagawa)? Aso.
[3]Napatakas ng bata ang manok bago katayin. Sino ang tagatakas (tagagawa)? Manok.
[4]Nautusan ko si Ate na magluto ng pansit. Sino ang tagautos (tagaganap)? Ako.
Higit na maitim ang limbag = Tagahimok. May salungguhit = Tagagawa o tagaganap.

(2) Pinapangalanang 'indirect-action verbs' ni { Schachter 1972 p. 321 ff.} ang pandiwa ng paghimok, katawagang 'actor' ang ginagamit para sa tagahimok at 'secondary actor' para sa tagagawa.

(3) Kay { Ramos 1985 p. 267}, katawagang 'causative actor (initiator, causer)' ang ginagamit para sa tagahimok at 'non-causative actor (agent)' para sa tagagawa.

(4) Kay { Santiago 2003 B p. 192}, katawagang 'pagpapagawa sa iba' ang ginagamit para sa paghimok.


{6A-3431}   Panlagay, pagbabago ng panlagay at kilos na katulad ng panlagay

May pagsanib ang mga pandiwang naglalarawan ng panlagay na tumpak, pagbabago ng panlagay at kilos na "katulad ng panlagay":

 
(1) Panlagay na tumpak
 [1]magutom Nagugutom na kami. {DT00/fy}
(2) Pagsanib mula sa panlagay hanggang sa pagbabago ng panlagay
 [2]mabihasa Nabihasa na siya sa kahirapan.{DT01/fy|ft}
 [3]magtakạ Saglit siyang nagtaka. {W Samadhi 3.3}{DT00/fy}
(3) Pagbabago ng panlagay
 [4]mabingị Nabingi siya nang bata pa.{DT00/fy}
(4) Pagsanib mula sa panlagay hanggang sa kilos na "katulad ng panlagay"
Ibinibilang dito ang pandiwang may nangyayari, ngunit hindi tagaganap ang tagafokus (ibig sabihing wala siyang sinisadyang ginagawa) at hindi tagatiis ang tagafokus (ibig sabihing walang ibang tao o bagay na gumagawa ng kilos). Sa tanawang makaagham sa labas ng isip ng nagsasalita maaaring tagaganap at tagatiis.
 [5]mangamọy Nangangamoy ang sirang isda. (Sa tanawang makaagham, bakterya ang tagaganap at isda ang tagatiis.){DT00/fy}
 [6]manatili Nananatili si Pepe sa kanyang mga kaibigang nasa kagipitan. {DT01/fy|ft}
 [7]mahiy Nahihiya ang bata dahil sa kanyang gula-gulanit na damit.{DT00/fy}
 [8]gumandạ Gumanda siya pagkatapos ikasaal.{DT00/fy}
(5) Kilos na "katulad ng panlagay"
Hindi pandiwang panlagay dahil tagaganap ang tagafokus, mayroon itong kilos.
 [9]matuy Natutuyo ang tubig at naiiwan ang asin.{DT00/fg}

{6A-401}   Palaugnayan ng pandiwang may hulaping -an


{6A-421} Katawagang 'paradigma'

Galing sa wikang Lumang Griyego ang katawagang 'paradigma'.
Katuturan: Kinakatawang modelo o padron, karaniwan ng teorya o pananaw. Ganap at puspusang tularan ang paradigma.

Mahalagang mga paradigma sa wikang Filipino:
Paradigmang pambanghay ng mga pandiwa {6-6.1}.
Paradigma ng mga panghalip {8A-401 Θ}.

Hindi paradigma, pagbabatay ('derivation') lamang:
Paglalapi ng pandiwa (hindi ganap) {6-4}.
Pagkakabago ng pandiwa (hindi ganap) {6-5}.


{6A-422}   Katuturan ng homomorfem at alomorfem

Homomorfem (tulanyo ?) :: Kabigkas na morfem, ngunit iba ang tungkulin, kahulugan, pamuhatan at kung minsa'y iba rin ang baybay ('homomorph' sa Inggles).
Alomorfem (ibanyo ?) :: Iba-ibang morfem na may magkatulad na tungkulin at kahulugan ('alomorfem' sa Bahasa Indonesia, 'allomorph' sa Inggles).


{6A-611} Talahanayan ng mga anyong pambanghay

Nagpapahiwatig ang tandang "&" kung inuulit ang unang pantig ng ugat-salita.

Pinapalitan ng n ang unang tunog na m ng unlapi sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

ma- tulog matulognatulog natutulog &matutulog &
  alịs maalịsnaalịs naaalịs &maaalịs &
ma- dinịg marinịgnarinịg naririnịg &maririnig̣ &
ma--an sakịt masaktạnnasaktạn nasasaktạn & masasaktạn &
ma--an alam malaman nalaman nalalaman & malalaman &
mag- hand maghandnaghand naghahand &maghahand &
 isạ mag-isạnag-isạ nag-iisạ &mag-iisạ &
 sulat magsulạt {*} nagsulạt nagsusulạt &magsusulạt &
mag--an tulong ◊ magtulungạn {*} nagtulungạn nagtutulungạn & magtutulungạn &
mag-um- piglạs magpumiglạs nagpumiglạs nagpupumiglạs magpupumiglạs
magka- doọn (dito ◊) magkaroọn nagkaroonnagkakaroọn magkakaroọn
magka- sund magkasund nagkasund nagkakasund magkakasund
magkang- galit magkanggagalitnagkanggagalit nagkakanggagalit magkakanggagalit
magpa- dala magpadalạnagpadalạ nagpapadalạ magpapadalạ
mai- bigạy maibigạynaibigạy naibibigạy & maibibigạy &
maipa- kita maipakitanaipakita naipapakita maipapakita
maipag- kail maipagkailnaipagkail naipagkakail & maipagkakail &
maka- basa makabasanakabasa nakakabasa makakabasa
maka- kita makakitanakakita nakakakita makakakita
makapạg- aral makapạg-aral nakapạg-aralnakakapag-aral makakapag-aral
makapạgpa- baryạ makapạgpabaryạ nakapạgpabaryạ nakakapagpabaryạ makakapagpabaryạ
makapang- tiwala makapaniwala nakapaniwala nakakapaniwala makakapaniwala
maki- alam makialạmnakialạm nakikialạm makikialạm
mang- pulạ mamulạnamulạ namumulạ & mamumulạ &
 amọy mangamọynangamọy nangangamọy &mangangamọy &
mapạg- tant mapạgtant napạgtant napạgtatant & mapạgtatant &
{*}   !! Pandiwang may di-karaniwang diin.

Karagdagang gitlaping -in- sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan ng pandiwang may hulaping -an o unlaping i-

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-an bayad bayaranbinayaran binabayaran & babayaran &
 puntạ puntaḥanpinuntaḥan pinupuntaḥan & pupuntaḥan &
 haya hayaanhinayaan hinahayaan & hahayaan &
i- abọt iabọt iniabọt iniaabọt & iaabọt &
 bigạy ibigạyibinigạy ibinibigạy & ibibigạy &
ika- galit ikagalitikinagalit ikinagagalit &
ikinakagalit
ikagagalit &
ikakagalit
ipa- dalạ ipadalaipinadalạ ipinapadalạ ipapadalạ
ipag- bawal ipagbawalipinagbawal ipinagbabawal & ipagbabawal &
ipang- bigạy ipamigạyipinamigạy ipinamimigạy &
ipinapamigạy
ipamimigạy &
ipapamigạy
isa- gaw isagawisinagaw isinasagaw isasagaw
ka--an bakạs kabakasạn kinabakasạn kinababakasạn &
kinakabakasạn
kababakasạn &
kakabakasạn
pa--an tunay patunayanpinatunayan pinapatunayan papatunayan
pag--an mul pagmulạn pinagmulạnpinagmumulạn & pagmumulạn &

Gitlaping -in- sa halip ng hulaping -in sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-in sulat sulatinsinulat sinusulat & susulatin &
 dalạ dalhịndinalạ dinadalạ & dadalhịn &
 bati batiinbinati binabati & babatiin &
 gaw gawịnginaw ginagaw & gagawịn &
pa--in tawad patawarinpinatawad pinapatawad papatawarin
pag--in tibay pagtibayinpinagtibay pinagtitibay& pagtitibayin &

Pagwala ng gitlaping -um- sa anyong panghinaharap

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-um- alịs umalịsumalịs umaalịs & aalịs &
 puntạ pumuntạpumuntạ pumupuntạ & pupuntạ &


{6A-6111} Gitlaping -in-, unlaping ni- o na- (pandiwang -in, -an at i-)

Isinisingit ang gitlaping -in- sa likod ng unang katinig ng ugat [1-3] o ng unlapi [5 6]. Hindi isinasaalang-alang ang unlaping i- [4 7-9].

Kung patinig ang unang tunog ng ugat ay ginagamit ang unlaping in- sa harap ng ugat [10-12] o sa harap ng unlaping i- na nag-iisa [13].

{Θ} Sa wastong pagsasalitang pampalatunugan, palaging gitlaping -in- ang iniuunang in. Wala itong patinig na Po [ ʔ ]; dahil dito bawal ito sa unahan ng salita. Sa [10-13] isinisingit ito sa likod ng unang katinig na Po [ ʔ ] (halimbawa alisịn [ʔʌlɪ'sɪn]inalịs [ʔ + ɪn + ʌlɪs = ʔɪnʌ'lɪs]). May Po [ ʔ ] ang unlaping i- [ ʔi ].

Kung sana'y dapat isingit ang -in- sa ugat at kung isa sa katinig na l o y ang unang tunog ng ugat ay ginagamit ang unlaping ni- sa harap ng ugat [14-16]. Mabisa ito din sa pandiwang may unang katinig na h kung binubuo sa pamamagitan ng unlaping i- [17 18]. Hinahalinhan pati ang -in- sa ni- sa salitang hiram o banyaga [19] {7-2.4.1}.

Tingnan sa {6A-6112} ang paghalili ng -in- sa na-.

 
(1) Isinisingit sa likod ng unang katinig ng ugat ang gitlaping -in-.
[1]tulong ◊ - tulungan Tinulungan ko si Lolo.
[2]basa ◊ - basahin Binabasa ko ang kuwentong ito.
[3]hati - hatiin Hinati niya ang mangga.
[4]baọn - ibaọnIbinaon niya ang haligi sa simento.

(2) Isinisingit sa kumpol-unlapi ang gitlaping -in-.
[5]dalạ ◊ - padalhạn Pinadalhan kita ng load.
[6]aral ◊ - pag-aralan Pinag-aralan ko ang mga sining.
[7]dalạ ◊ - ipadalạ Sa litratong ipinadala ni Ahia sa Tengsua … {W Nanyang 22.5}
[8]bote - isabote Isinabote ko ang suka.
[9]abay - ipang-abay Ipinang-abay ni Ate ang damit na hiniram sa kapitbahay.
 

(3) Unlaping in- kung patinig ang unang tunog ng ugat.
[10]alịs - alisịn Inalis mo ang tuntong ng palayok.
[11]inọm - inumịn Ininom mo na ba ang gamot?
[12]ulit - ulitin Inulit namin sa kanya ang iyong kahilingan.
[13]ayos - iayos Iniayos ko na ang mesa para sa hapunan.

(4) Unlaping ni- kung l, h, y ang unang tunog ng ugat.
[14]luto - lutuin Niluto ko ang gulay.
[15]labạs - ilabạs Inilabas mo ang basurahan.
[16]yakap - yakapin Niyakap ng ina ang kanyang sanggol.
[17]hanap - ihanap Inihahanap ko ng libro si Lola. (Ngunit hanapinhinahanap.)
[18]hand - ihand Inihanda ko ang mesa.
[19]saveini-save, releaseni-released.

{6A-6112} Unlaping na- sa halip ng gitlaping -in- sa pangnagdaan at kasalukuyan

(1) Marahil, dahil sa sanhing pampalatunugan, maaaring halinhan ang gitlaping -in- ng unlaping na-; malimit sa paggamit na pang-araw-araw ng pandiwang -in at i- (madalang sa pandiwang -an). Pati hinahalinhan ng na- ang -in- sa salitang hiram o banyaga (lalo na kung may kumpol-katinig sa unahan ng ugat, halimbawa plantsahin).

Ginagamit din ang anyong na- kung walang katumbas na pandiwang ma- (halimbawa napatigil ◊ ↔ mapatigil, naisaloọbmaisaloob).

PanlapiPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-an saktạn sinaktạn
nasaktạn [1]
sinasaktạn
nasasaktạn
sasaktạn
turan tinuran
naturan [2]
tinuturan
natuturan
tuturan
-in tanggapịn tinanggạp
natanggạp [3a]
tinatanggạp
natatanggạp
tatanggapịn
plantsahin plinantsa
naplạntsa
plinaplantsa
napaplạntsa
paplantsahin
i- iakyạt iniakyạt
naiakyạt
iniaakyạt
naiiakyạt
iaakyat
ipa- ipadalạ ipinadalạ
naipadalạ [3b]
ipinapadalạ
naipapadalạ
ipapadalạ
pa--in patigilin pinatigil
napatigil [4]
pinapatigil
napapatigil
papatigilin
isa- isaloọb isinaloob
naisaloọb [5]
isinasaloọb
naisasaloọb
isasaloọb

 
[1]sakịt - saktạn Nasaktan ako sa ginawa mo. {W Arrivederci 3.9}
[2]tuọd - turan ... pawang bilingguwal ang mga naturang proyekto. {W Javier 3.3}
[3]tanggạp - tanggapịn
dalạ - ipadalạ
[a b] Natanggap mo ba ang card na naipadala ko? {W Rosas 4.8}
[4]tigil - patigilin ... si Diana na napatigil sa pag-aayos ng mga nagdatingang korona. {W Suyuan 5.2}
[5]loọb - isaloọb Hindi siya hihinging tulong sa mga ito, naisaloob niya. {W Unawa 3.8}

(2) {Θ} Hindi maaaring maliwanag na ihiwalay sa panlaping pambanghay na na- ng pandiwang ma- ang na- na humahalili ng gitlaping -in-. Bukod dito, mahina lamang ang pagkakabago ng kakayahan sa anyong pangnagdaan ng pandiwang may "tumpak" na pagbabagong ito {7A-301 (2)}. Gayunman ipinapalagay naming alomorfem ng -in- ang unlaping na- kung pansemantikang walang kakayahan ang inilalarawan ng pandiwa.


{6A-621}   Kinalabasan ng pagsusuri hinggil sa panahunan at pananaw

(1) Nagsuri kami ng paggamit ng anyong pamanahon ng pandiwa sa isang kabanata ng kathambuhay na {W Nanyang 11}. Nagsasalaysay ang kabanata ng kuwento sa nakaraan. Dahil dito, nangingibabaw ang panahunang pangnagdaan, ilang pangungusap sa pagsasalitang sinipi ang kataliwasan. Sa layunin namin, maaaring mauri ang kabanata sa tatlong bahagi. Isinasalaysay sa unang bahagi ang nangyayaring karaniwan at inuulit "Ulit". Sumusunod ang kuwentong tangi "Tangi" sa ikatlong bahagi. Sa pagitan ng dalawa may bahagi ng pagsanib "Sanib".

{W Nanyang 11}WalaBa Anyong pamanahong "malaya"ΣΣ
D/W D/ND/ND/KD/KD/K D/HD/HΣ
Gan?Di-gUl? ...(W)
[1][2][3] [4][5][6][7][8][9][10] [11]

Ulit3212 32036050 4658
Sanib1810 16039405 3765
Tangi2925 740124361 100154

ΣΣ7947 93215497116 183309
25 %15 %   60 %100 %
  51 %1 %8 %27 %4 %6 %3 % 100 %

Walang anyong pamanahon ang sangkapat na bahagi ng sugnay ("Wala", 25 % sa tudling na [1] sa talahanayan). Ginagamit ang pawatas ng 15 % [2] alinsunod sa tuntuning palaugnayan ng balarila "Ba". Mayroon pang 183 sugnay na may anyong pamanahong "malaya" at maaaring suriin sa panahunan at pananaw, ito ang bagong 100 % ng bahaging sinuri (hanay na nasa ilalim ng talahanayan):

 
Pangnagdaang pang-ulit, ngunit anyong pangnagdaan
[12]Lagi siyang nakasuot ng manipis na itim na bestida ... at lalong nagmukhang balingkinitan ang katawan dahil sa puting sinturon sa baywang. {W Nanyang 11.1}
Pangnagdaang di-panganap, ngunit anyong pangnagdaan
[13]Paunti-unti, nalaman ko ang mga bagay-bagay tungkol sa babaeng nakaitim. {W Nanyang 11.5}
Pangnagdaang panganap, ngunit anyong kasalukuyan
[14]Lumabas si Isha na medyo gulo ang buhok, bahagyang namumula ang mga pisngi, at nagmamadaling umalis. {W Nanyang 11.6} (Iba pang mga pangungusap sa {W Nanyang 11.10}, {W Nanyang 11.12} at {W Nanyang 11.13}.)
Kasalukuyang panganap, ngunit anyong kasalukuyan
[15]Naiintindihan mo ba? {W Nanyang 11.8} (Iba pang pangungusap sa {W Nanyang 11.9}.)

(2) Ginawa namin ang isa pang pagsusuri ng kuwentong maikli {W Krus} (159 sugnay). Kahambing ang kinalabasan nito. Pati may halimbawang [16] sa kataliwasang [13]:

 
Pangnagdaang di-panganap, ngunit anyong pangnagdaan
[16]Matuling lumipas ang panahon at nasa mababang paaralan na kami ng kakambal ko. {W Krus 3.2}

{6A-6251 }   Panahunan at pananaw sa wikang Filipino

PanahunanPawatasPagnagdaanKasalukuayan Paghinaharap
PananawPanganapDi-panganap Mapagdili-dili

'Aspect''Contingent/Punctual' 'Actual/Punctual''Actual/Durative' 'Future/Durative'
{ Bloomfield 1917} {*}
'Aspekt' 'Irrealis/Perfektiv''Realis/Perfektiv' 'Realis/Imperfektiv''Irrealis/Imperfektiv'
{ Himmelmann 2005}
'Aspect' { NIU} 'Perfect''Imperfect' 'Contemplative'
Aspekto { Aganan 1999}PerpektiboImperpektibo Kontemplatibo
{*} Inihihiwalay ang dalawang 'modes (actual, contingent)' at dalawang 'aspects (punctual, durative)'.

{6A-631 Θ}   Ugat ng pandiwa bilang anyong pinaikli at katinigan

Hindi nakikita ang katinigan (tahasan o balintiyak) kung ginagamit ang ugat ng pandiwa bilang anyong pinaikli. Mayroon pang pagkakaibang pampalaugnayan, dahil hindi binabago ang paniyak at pantuwid. Kung kaya may pagkakaibang pampalaugnayan ng {DT//X} at {DB//X} na hindi na nakikita sa anyo ng pandiwa.

 
[1]Mahal kita. {DB//X}
[2]Tulog pa ako. {DT//X}

{6A-6521} Pangngaldiwang pang-ulit

(1) Alinsunod sa { VCS ka-} may dalawang uri ng anyong makadiwang may unlaping ka-.

(2) Galing kay Domingo L. Diaz Mabisang Wika, Aralin 13, { Liwayway 15 Mayo 2006, p. 45} ang sumusunod na mga halimbawa ng pangngaldiwang pang-ulit.

 
[1]maligoSinipon ang mga bata sa kaliligo sa ulan.
[2]mangakoNagsasawa na ang bayan sa kapapangako ng mga pulitiko.
[3]humampạsKuminis ang mga bato sa kahahampas ng alon.
[4]uminọm Nagkasakit siya sa kaiinom ng alak.
[5]sumayạwPinapawisan sila sa kasasayaw.
[6]umulạnUmapaw ang ilog sa kauulan.
[7]umutangNayamot ako sa kanyang kauutang.
[8]magdilịgNamunga ang mangga sa kadidilig namin.

{6A-721 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwang nakakabit (pangungusap na tambalan)

[1] Halos apat na siglo nang sinisikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika. {W Javier 3.1}
halos apat na siglo nang sinikap sinupin ang bokabularyo ng ating wika
{S-Tb(S-0/L S-L)}
halos apat na siglo nang sinikap ||  sinupin ang bokabularyo ng ating wika
{S-0/L/P0}  {S-L/PT}
halos apat na siglo nangsinisikap  sinupin ang bokabularyo ng ating wika
{P-0=P-N(P-L N A/HG)} {P-P=P-D} {P-P=P-D} {P-T=P-N(N P-W)}
halosapatnasiglo nangsinisikap sinupinang bok. ngatingwika
AUBLN/EsA/HG.LDB10/K  DB10/WTTN/EsTWU//HT/K.L N

Tambalan ang pangungusap na may pandiwang nakakabit. Hindi maaaring pangungusap na payak dahil hindi magkabagay ang sinisikap at ang bokabularyo [2b].

Sa hulihan, may panuring (pang-abay na hutagang na) ang pariralang makangalang pang-umpog na halos na apat na siglo; mayroon itong pang-angkop dahil sa yaring hutagang payak {5-3.5}.

Maliban sa sugnay na makaangkop na may pandiwang pang-ibaba ay walang kaganapan ang pandiwang sinisikap.

Walang pang-angkop sa pagitan ng pandiwang nakakabit, maaaring kaltasin ang anyong na ng pang-angkop [1|3 4|5] {5-2.2 (1)}.

 
[2][a] Halos apat na siglo nang sinisikap ang pagtatangka.
[b] Halos apat na siglo nang sinisikap ang bokabularyo.
 
Yaring kahambing
[3]Halos apat na siglo nang sinisikap na sinupin ...
[4]Kahapon sinisikap sinupin ...
[5]Kahapon sinisikap na sinupin ...


{6A-722 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwang nakakabit (pangungusap na payak)

[1] Hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan. {W Anak ng Lupa 2.5}
hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Oden ang mga tanawin ng gamasan
{S-0/L/PT}
hindi maiwasang sumalimbay sa gunita ni Odenang mga tanawin ng gamasan
{P-P=P-D(A DB P-L=P-D} {P-T=P-N(Y/M N P-W)}
hindi maiwasangsumalimbay sa gunita ni Oden
  {P-L=P-D(DT P-K)}
hindimaiwasangsumalimbaysagunita ni Odenangmgatanawinng gamasan
ADB001/W.LDT01/WTKNTW.Y N/TaTTY/MNTWN

Pangungusap na payak dahil magkabagay sa dalawang pandiwa ang paniyak [2 3].
 
Kaganapan ng pandiwang maiwasan ang panlapag na sumalimbay ...

 
[2]Hindi maiwasan sa gunita ni Oden ang mga tanawin.
[3]Sumalimbay ang mga tanawin.

{6A-723 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pandiwang nakakabit (pangungusap na tambalan o payak)

Maaaring suriing tambalan [1] o payak [2] ang pangungusap na sumusunod.

[1] Hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama. {W Busilak 3.5}
hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama
{S-0/L/P0} {S-L/PT}
hinayaan nilanatutulog si Busilaksa kama
{P-P=P-D} {P-P=P-D} {P-T=P-N}{P-K/L}
hinayaannilananatutulogsi Busilaksakama
DB10/NTW.HTLDT00/KY/Ta N/TaTKN/Es

Pangungusap na tambalan ang [1]. May panaguri ang sugnay na pang-itaas. Humahalili sa sugnay na makaangkop ang paniyak {13-4.4.1}.

Nasa kasalukuyan (pananaw na di-panganap) ang pangalawang pandiwang natutulog, dahil walang kaguluan hinggil sa kabisaang buo.

[2] Hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama.
hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama
{S-1/PT}
hinayaan nila na natutulog si Busilaksa kama
{P-P=P-D(DB P-W P-L=P-D} {P-T=P-N}{P-K/L}
 nilana natutulog
 {P-W=P-N} {P-L=P-D}

Maaaring pangungusap na payak dahil magkabagay sa dalawang pandiwa ang paniyak na si Busilak kahit magkaiba ang uri ng fokus.

May tatlong kaganapan ang pandiwang pang-itaas: paniyak na si Busilak, pantuwid na nila at panlapag na na natutulog {6-2.3 (2)}.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_D_01A.htm
09 Setyembre 2006 / 06 Enero 2019

Palaugnayan ng wikang Filipino
Wakas ng 6A Pangabit sa Mga Pandiwa (Talaksan 6A/01)

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Pahinang pamagat na Filipino   Ugnika