Ni Ligaya Tiomson Rubin, LIWAYWAY, 6 Hunyo 2005
Supot | {3.1} |
Supot ang isa sa importanteng sisidlan ng mga malalaki man o maliliit na bagay tulad ng damit, sapatos, bag, notebook at halos kahit ano lalo na ang tinatawag na mga abubot. Sa pamamalengke, ito ang praktikal na lalagyan ng gulay, prutas, bigas, kakanin, tokwa, mais, monggo, beans, noodles, tinapay, de-lata at iba pang mga pagkain. |
{3.2} | |
Ito ang lalagyan ng mga libro at iba pang school at office items na nabibili sa mga bookstores. Sa mga botika, ito ang sisidlan ng mga bote at kahon ng gamot at bitamina. Sa mga hardware naman dito inilalagay ang mga pako, martilyo, plais, screw driver, kawad at mga bolts and nuts. Sa mga sari-sari store, grocery, supermarket, karinderya at restawran, laging nakahanda ang mga supot para sa mga mamimili. Sa mga tindahan ng laruan, supot ang ginagamit na sisidlan.Wala marahil taong hindi gumamit ng supot sa buong buhay niya. |
{3.3} | |
Noong panahon ng Industriyal na Rebolusyon unang lumabas ang supot na papel. Higit na mura at praktikal itong dalhin kaysa sa bayong, basket at supot na damit. Ngunit naging problema ang hindi pagiging matibay nito dahil madali itong masira, mapunit o malusaw kung sakaling mabasa lalo na kung mauulanan. Hindi rin maaaring pagsidlan nang paulit-ulit ang mga ito sapagkat may karupukan nga ang mga materyales. Hindi katulad ng bayong o tela na nagagamit kahit ilang beses. Problema na lamang kapag napigtas ang tangkay o nabutas at nasira ang pinakakatawan. |
{3.4} | |
Noong araw, ginagawa sa pamamagitan ng kamay ang supot na papel. Si Englishman Brahnah ang nakatuklas ng flat paper sack machine. Nakalilikha ng supot ang makinang ito sa pamamagitan ng pagtutupi at pagtatahi sa papel ngunit ang pinakapuwitan nito ay manuwal na idinidikit gamit ang harina. Samantala, madaling matuyo ang harina kaya naghanap ng ibang paraan upang mapagdikit ang pinakailalim ng supot. Hanggang sa maimbento na rin ang makina na automatikong gumagawa nito. |
{3.5} | |
Sa wikang Ingles, may mga espesipikong tawag sa mga supot na papel depende kung ano ang paggagamitan nito tulad ng grocery bag, bakery bag, dog food bag, padded mailing bag, lunch bag, litter bag, gift bag, shopping bag, merchandise bag, popcorn bag, sugar and flour bag, potato bag, potato chips bag at vacuum cleaner bag. |
{3.6} | |
May mga packaging bags din katulad ng flat, square, satchel-bottom at self-opening. Nagkakaiba-iba lamang sa tupi sa pinakailalim ang mga supot na ito. Ang flat bag ang siyang pinakasimple sa lahat sapagkat papel ito na inilulupi at idinidikit lamang ang puwitan. Parisukat naman ang ilalim ng square bag. Hugis dyamante naman ang pinaka-base ng satchel bottom. |
{3.7} | |
Pangkaraniwang minsanan lamang ang paggamit sa supot na papel dahil sa karupukan ng materyales nito. Kadalasang nilulukot agad ito pagkatapos gamitin at itinatapon sa basurahan na hindi na iniisip kung paano mairerecycle. Dahil dito, kusang tumataas ang pangangailangan sa papel na supot. Nangangahulugan ito na dumadalas ang pagputol sa puno na pinanggagalingan ng papel at hindi naman ito napapalitan. Kaya masasabing ang papel na supot ang isa sa nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga kagubatan. Bunga nito, humanap ang mga tao ng ibang paaran upang makalikha ng ibang klase ng supot. |
{3.8} | |
Ayon sa mga tala, noongl862, naimbento ni Alexander Parkes ang man-made na plastic na yari sa organikong materyales. Noong 1866, si John Wesley Hyatt naman ang nakatuklas ng plastic na yari sa celluloid. Tinagurian itong thermoplastic na nakapagpapanatili ng hugis matapos itong ihulma. |
{3.9} | |
Nadiskubre ni Leo Baekeland noong 1907 ang sintetikong plastic. Higit na matibay ang mga plastic na ito kaysa sa gawa sa celluloid. May mga ilang naging pagbabago pa ang mga materyales sa paggawa ng plastic katulad ng rayon na mula sa modified na cellulose. Naimbento naman ni Dr. Jacques Edwin Brandenberger ang cellophane. Taong 1902 nang maging sikat ang paggamit ng cellophane sa iba't ibang lugar. Ang cellophane ang naging dahilan ng pagkakaimbento ng nylon ni Wallace Hume Carathers. Tinawag itong fiber 66 na isang matibay na uri ng plastic. Ginamit ito sa paggawa ng toothbrush at silk stockings. Si Waldo Semon naman ang nakatuklas sa materyales na polyvinylidene o vinyl. |
{3.10} | |
Ito ang siyang naging dahilan upang mag-isip ang mga siyentipiko kung anu-ano ang maaaring gawin sa plastic na binubuo ng carbon, hydrogen, oxygen at silicon. Hanggang sa dumating sa puntong naisip nilang maganda itong ipamalit sa mga papel na supot. Mahusay na paglagyan ang plastic na sako ng palay, pataba at feeds ng mga magsasaka. Ginagamit naman ang mga plastic na supot sa pamilihan, bahay at sa mga tindahan. |
{3.11} | |
Ngunit may masama ring epekto ang supot na yari sa plastic. Non-degradable ito na hindi nalulusaw o nabubulok kahit ilang daang taon pa ang magdaan. Nagdudulot ito ng polusyon sa hangin kapag sinusunog. Dahil plastic ito, maaari itong aksidenteng maka-suffocate sa mga bata kung paglalaruan nila ito. Kayat sa kabila ng mga prakikal na gamit nito, ang kakatwang lumitaw na problema naman ay kung paano mababawasan ang supot na plastic na ginagamit ng mga tao. |
{3.12} | |
Nakakatulong din ang 3R's o reduce, reuse then recycle sa kampanya laban sa paggamit ng plasic na supot. Ang tatlong R na ito ay makakatulong nang malaki upang mabawasan ang konsumo sa plastic. Makakatulong pa sakapaligiran kung ito ay ipapatupad. Halimbawa matapos magamit ang plastic sa pamimili, maaari itong hugasan, patuyuin at saka muling gamitin. Imbis na bumili ng mga garbage bag, maaaring ang mga nagamit na plastic ang gawing layning ng mga basurahan. |
{3.13} | |
Sa ibang bansa katulad ng Britanya, mayroong isang kompanya na may pangalang Symphony Environment na nagpoprodyus ng nabubulok na plastic. Gumagamit ang kompanyang ito ng makabagong teknolohiya na maging tubig na lamang sa loob ng ilang linggo ang carbon dioxide na elemento sa paggawa ng plastic. Nangongolekta rin ng buwis ang bansang ito sa mga tindahang kumukonsumo sa plastic. |
{3.14} | |
Sa ibang lugar naman, hindi pinahihintulutan ang pagbibigay ng libreng supot na plastic sa mga
tindahan, paaralan at pamilihan. Kailangan muna nilang bayaran ang supot na kanilang kailangan. Sa
ganitong paraan makokontrol ang paggamit ng supot na plastic.
Saan mang panig ng mundo, makakakita tayo ng plastic na supot na batay sa iba't ibang laki, hugis, tekstura, kulay at disenyo. Ibinibenta ang mga supot sa palengke, tindahan, supermarket, grocery stores, botika, hardware at iba pa. |
{3.15} | |
Nagkaroon na rin ng katawagan sa kung saan gamit ang partikular na plastic na supot na tinatawag ding bag. Mayroong tinatawag na garbage bag, sando bag, t-shirt bag, twist bag, bubble bag, loop bag, zipper bag, die cut bag patch handle, wave top, plastic handle at block bottom. |
Die filipinische Sprache von Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/supot.html 05. Juli 2005 / 03. April 2020 |